Agad na nadala sa ospital ni Cedrick si Janna Mae. Sa awa ng Diyos ay ligtas naman na heto at sabi din ng doktor, hindi naman daw malalim ang pagkaka laslas sa pulso nito kaya wala na daw silang dapat ipag-alala pa. Hindi biro ang naramdaman niyang takot kanina habang buhat-buhat ito patungo sa parking lot ng kanilang opisina. Halos manginig ang kanyang katawan dahil sa sobrang nerbyos pero mabuti na nga lang at nagawa pa niya ang magdrive patungo sa ospital. Sabagay malapit lang naman ang ospital sa opisina nila kaya agad niyang nadala doon si Janna Mae. Hindi niya akalaing magagawa iyon ng babae, ang magpakamatay nang dahil lamang sa hindi na niya nais na pakasalan ito. Pero naisip niya na minsan na nga pala nitong nabanggit sa kanya na may depression ito at marahil inatake ito kaya hi