Sa Manila Maalinsangan nang gabing iyon hindi mapalagay si Cedrick dahil may kung anong bumabagabag sa kanya pero hindi niya mawari kung ano. Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib agad niyang naisip si Janna. Ano na kaya ang ginagawa ng kanyang mahal, siguro galit na galit ito sa kanya dahil sa kanyang ginawang pagbali sa kanyang pangako dito. Isang buwan na lamang ang hihintayin at ikakasal na siya ng tuluyan kay Janna Mae. Labag man sa kanyang kalooban pero hindi niya mapahindian ang nais ng kanyang Mommy lalo na't may sakit ito. Isa pa natatakot din siya sa maaaring gawin na ni Janna Mae kapag tuluyan siyang umatras sa kasal. Ayaw niyang gawin muli nito ang pagtatangka sa sarili nitong buhay. Palagi rin itong nasa kanilang bahay na pinakang ayaw na a