"Totoo ba iyan Apo? Nakausap mo na si Janna at okey na kayong dalawa?" nagagalak na tanong ng lola ni Cedrick ng makabalik siya sa farm. "Opo lola, okay na po kami, maghihintay po siya sa akin. Pero wala pa pong linaw kung anong meron kaming dalawa pero sa tingin ko naman po ay may pag-asa ako kasi kung wala akong pag-asa hindi siya papayag na na maghintay sa pagbabalik ko, hindi po ba lola? Inamin niya po sa akin na may iba siyang mahal pero sa tingin ko po kapag nagpursigi pa ako at nagtiyaga, magiging pag-aari ko rin siya hangga't hindi pa siya pag-aari ng lalaking iyon. Gagawin ko ang lahat para mapasaakin siya lola kasi hindi ko po kayang mapunta siya sa iba. Ang totoo po nagawa ko ng magtapat sa kanya ang aking nararamdaman kanina na ikinagulat ko rin po, kasi kanina ko lang po na