Nagising sa marahang paghaplos sa kanyang pisngi ng kung sino si Janna. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at napaluha siya ng tila mabanaag niya ang mukha ng lalaking mahigit isang buwan ng nagpapahirap sa kanyang damdamin. Si Cedrick, tila naluluha ito habang nakatingin sa kanya. "Janna, Diyos ko mabuti naman at gising ka na!" narinig niyang wika ng isang babae at agad niyang na bosesan iyon. Doon niya ito nakilala, namamalikmata lang pala siya dahil si Ate Anding pala ang nasa harapan niya at hinahaplos ang kanyang pisngi. "Alalang-alala na ako sayo babae ka, ano bang nangyari sayo?!" lumuluha ang tanong nito sa kanya. "Ate Anding ang b-baby ko po?" tanong niya dito. Pero agad itong natigilan maging ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang palad ay lumawag. Na