"Anak isama mo muna si Janna Mae sa taas, kung gusto mo dalhin mo sya sa kwarto mo o doon kayo sa may rooftop may pag-uusapan lang kami ng Tita Cora mo," wika ng kanyang Mommy. "Sa labas na lang kami Mom, doon nalang kami sa may garden para makita din ni Bonenay ang garden ninyo," nakangiting wika niya sa kanyang Mommy. "Sige kayo ang bahala, ikaw na bahala diyan kay Janna Mae," wika pa nito. Pero hindi na niya sinagot at nagpatiuna na siyang lumabas ng main door. May maliit kasing Garden ang kanyang mama sa bakuran at meron doong bahay kubo na sinadyang ilagay doon pero open naman iyon kaya presko sa lugar na iyon lalo pa't napapalibutan ng mga halaman ng kanyang Mommy. Nais din niyang masarili si Bonenay para makausap ito ng masinsinan. Maraming ebidensya na nagsasabing ito nga si