PROLOGUE: Francis

1434 Words
"Thank you." I closed my eyes tightly when I heard his voice. I held on to my remaining strength before replying. "It's the last thing I could do for you, Marcus." Muntik nang pumiyok ang boses ko. Mabuti na lang at hindi iyon nangyari. Pigil na pigil ko ang kagustuhan kong umiyak. Ilang beses akong lumunok para paluwagin ang paninikip ng aking lalamunan. Ilang beses din akong huminga nang malalim para paluwagin ang paninikip ng aking dibdib. Tama na, Francis. Sobra na ang pagdurusa mo. Sobra na ang iniluha mo. 'Wag mo nang patuloy pang saktan ang sarili mo. Ginawa mo na ang dapat at ang gusto niya. Palayain mo na siya nang tuluyan. Palayain mo na rin ang sarili mo. Maawa ka naman sa sarili mo. Sobrang nasasaktan ka na. "You don't have to leave now. Puwede ka namang umalis bukas," pormal na boses ni Marcus ang nagpaalis sa mga nasa isip ko. I bitterly smiled. "Okay if that's what you want. Susulitin ko na ang pagbibigay sa lahat ng gusto mo. Don't worry, ito na rin ang huling kahilingan mo na pagbibigyan ko." Humarap ako sa kanya at pinilit ko ang sarili kong ngumiti. "Francis." Dumaan sa mukha ni Marcus ang pag-aalinlangan bago ito muling sumeryoso. "Pero puwede bang humiling din?" Pinalakas ko ang loob ko para sa huling kahilingan na hihingiin ko sa kanya. "Anything within my power kapalit ng pagpirma mo sa divorce papers natin." Umantak ang sakit sa aking dibdib dahil sa katotohanan ng sinabi niya. "Will you make love with me one last time?" paos kong hiling. Napasinghap siya. Dumaan sa kanyang mukha ang pagtanggi. Ang pandidiri. Muli akong napangiti nang mapait. Never have I thought before na magagawang mandiri sa akin ni Marcus. Well, things have already changed. Hindi na siya ang Marcus na mahal ako. Ibang-iba na siya sa Marcus na pinakasalan ko four years ago. Hindi ko na siya kilala at hindi na rin niya ako kilala. Nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa akin lalo na ang pagmamahal niya. "Sige." Ako naman ang napasinghap sa naging sagot niya. Pinanuod ko ang paglalakad niya papunta sa kinatatayuan ko. Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata. Sinapo niya ang ulo ko at walang alinlangan niya akong hinalikan. Napapikit ako nang mamuo ang mga luha sa aking mga mata. Even his kisses have turned bitterly cold. Hindi ko napigilan ang mapahikbi nang bumagsak kami sa kama na parehong hubad. I let him kiss me all over. I want to treasure this moment but my heart doesn't want to accept what my mind dictates. When he penetrated me, I wanted to scream. I wanted to cry. I wanted to just disappear feeling the numbing pain in my heart. I opened my eyes and looked at the mirror above us. I watched how Marcus made love to my body. Hindi ko maramdaman ang dating kaligayahan na ipinapatikim sa akin ng kanyang katawan. Hindi ko na maramdaman ang pagmamahal na dati ay kaakibat ng kanyang bawat haplos, ng kanyang bawat halik at ng kanyang bawat galaw. Pinamanhid ko ang aking sarili kahit na nagsisimula nang bumilis sa pagkilos ang lalaking nakikipag-ulayaw sa katawan ko. Wala na. Wala na talaga si Marcus na minahal ako nang higit pa sa pagmamahal niya sa sarili niya. Wala na ang lalaking nagbibigay sa akin ng dahilan para patuloy na mabuhay. Kasabay ng pagkawala ng memorya niya ay ang pagkawala ng lahat sa akin: ang asawa ko, ang anak ko, ang pamilya ko, ang pagkatao ko, at ang buhay ko. Yumakap ang mga braso niya sa akin. Niyuko niya ako habang patuloy siya sa paggalaw. "Aren't you enjoying this? Akala ko ba ito ang gusto mo?" Hindi ko siya sinagot. Pinagmasdan ko lang ang pagpapalit ng emosyon sa kanyang mukha. From disgust to pleasure and back to disgust. I closed my eyes tightly when he pounded at me stronger and afterwards I felt his hot juice feeling me up. Pabagsak siyang nahiga sa tabi ko. Pinanuod ko ang kanyang pagpikit at ang unti-unting pagkawala ng kamalayan niya. "I just wanted to remind myself that once in my life, you loved me. Kahit gusto kitang saktan dahil sa pananakit mo sa akin, kahit gusto kitang kamuhian dahil sa mga pagdurusang ipinaranas mo sa akin, gusto kong itatak sa isip ko na minsan naging kabiyak ako ng puso mo. Na minsan minahal mo ang tulad ko. Na minsan nagmahalan tayo. At ang pagmamahal na 'yun ang nagbibigay ng lakas sa akin para maging matatag ako sa paglayo ko sa'yo. I will never forget you kahit nakalimutan mo na ako," bulong ko sa kanya with tears streaming down my face and blinding my vision. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Naligo na ako at nagbihis. Binitbit ko na ang maletang laman ang mga importante kong dokumento at mga damit na ako mismo ang bumili. Lahat ng damit, gamit, at alahas na ibinigay niya sa nagdaang pitong taon ay iiwan ko. Even our engagement ring and wedding ring ay iiwan ko. If Marcus wants me gone, I will totally disappear. Napatingin ako sa pintuan ng kuwarto ni Jarius nang makalabas ako ng kuwarto ko. Nagtatalo ang loob ko kung pupuntahan ko pa siya o hindi na ngunit sa huli ay nanaig ang pagmamahal ko sa batang itinuring kong anak sa loob ng pitong taon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Iniwan ko na ang maleta ko roon at saka ako naglakad palapit sa kama niya. Umupo ako sa gilid nito. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha habang hinahaplos ko ang buhok niya. "D-daddy?" naalimpungatang tawag niya sa akin. "Hi, baby. I love you." Pinilit kong ayusin ang boses ko kahit na sobra na ang pagsakit ng lalamunan ko. "Love you too, dad. Hey, are you crying?" Bumangon siya at pinunasan ng maliliit niyang mga daliri ang mga luhang dumadaloy sa aking mga pisngi. "Daddy's heart is in pain, Jai. But maybe tomorrow it will already be okay." I smiled at him. "Dad, you want me to kiss your heart so the pain will go away?" Jarius innocently asked. "Y-yakapin... m-mo na lang ang dad--dy, anak." Muntik na akong mapahagulgol ng iyak nang gawin ng bata ang hiniling ko. Tinakpan ko ng aking palad ang aking bibig para hindi marinig ni Jarius ang aking mga impit na iyak. Yinakap ko siya nang mahigpit dahil baka ito na rin ang pinakahuling pagyayakapan namin. Hinagkan ko ang kanyang ulo ng paulit-ulit. "Always be a good boy, ha? Eat vegetables," bilin ko sa kanya nang maghiwalay kami at mapakalma ko na ang sarili ko. "Why, daddy? Are you going somewhere nah nah-man?" Slang na pagta-Tagalog ng bata. Nagdikit ang mga kilay nito. Sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko ay hindi ko napigilan ang ngiting gumihit sa mga labi ko. Kapag ganung nagdidikit kasi ang mga kilay nito ay kamukhang-kamukha ito ng ama. "Oo, anak. Pero kahit daddy won't be here with you for a long time, always remember that daddy loves you so, so much okay?" "I love you so, so much too, daddy." Hinalikan pa ng bata ang magkabilang pisngi ko. "Go back to sleep na, anak. It's still 1 o'clock in the morning," malambing kong utos sa kanya. "Okay, dad." Inalalayan ko siya nang muli siyang mahiga. I kissed his forehead pagkatapos ay kumanta ako sa garalgal na boses. 'Yung Tagalog song na nakahiligan niyang pakinggan na kinakanta ni Yaya Bebang tuwing pinapatulog siya nito. Magaan kong hinahaplos ang buhok niya. 'Wag kang mag-alala 'di ako iiyak Hindi magdaramdam kahit na gapatak Pag-ibig na minsan na aking dinanas Sa tulad kong putik, tama na at sapat In no time, Jarius was already sleeping with a sweet smile on his face. Tumayo na ako at maingat na lumabas ng silid. Mabigat ang bawat pagbagsak ng mga paa ko sa carpeted staircase ng mansyon ni Marcus. Yes, I won't include my self anymore sa kahit anumang may kinalaman sa buhay nila. Tinanguan ko ang guwardya nang buksan niya ang malaking gate para sa akin. Bago ako tuluyang lumabas ay muli kong tinignan ang bahay na naging saksi sa buhay ko rito sa America sa nakalipas na apat na taon. Marcus has forgotten me. Jai might also forget me. Pero ako? Hinding-hindi ko sila makakalimutan. "Good bye and... I love you both," bulong ko sa hangin para sa mag-ama. Tumalikod na ako at saka tuluyang umalis. .... Happy 1st anniversary, The Sadist! Salamat sa lahat ng nagmamahal sa kuwentong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD