Kabanata XXXIII Thirty-five thousand ang halaga ng kabaong na napili ni Savvy. Medyo sosyal naman iyon kaysa sa normal na kabaong, na bente mil mahigit. Bagay na bagay iyon sa pagreregaluhan niya. Bad trip siya nang lumabas sa city hall dahil nakita niya ang pagmumukha ni Henri Sancho sa personal na buhay. She would never forget that face of a person who ruined her relationship with her husband. Kulang pa ang paghampas niya sa lalaking iyon ng peste niyang bag. Patawad daw at isinambulat lahat ng kagagahan ni Diana Vega. Pwes, siya pa ngayon ang may regalo sa babaeng iyon kahit hindi naman nun birthday. “Nasaan ho ang patay, ma'am? Nasa ospital pa ho ba?” tanong ng kahera sa kanya pero umiling siya. “Hindi, nandun sa law firm,” aniya kaya napatigil ang babae sa pagreresibo sa kanya