Kabanata XXXVI Stanley went back to the condo after fixing a few things. Nakahanda na ang mga gamit na dadalahin ng mga ito para sa pagpunta sa resort. Kinuha ni Yesmond ang mga bag at kaagad na tumakbo papunta sa sasakyan niya mukhang excited. “Nandun pa sila kuya sa loob,” anito sa kanya kaya naman tumango siya. Papasok sana siya pero nakita niya ang tatlong babae na papalabas na. “Papa! Papa!” tuwang-tuwa na sigaw ni Holy saka iyon nagmamadali ng tumakbo habang hawak ni Perla. “Be careful, sweetie,” nakangiti niyang sabi sa anak. “Maryosep naman itong batang ito, parang mawawalan ng poging Papa. Huwag kang mag-alala nag-iisa ‘yan sa puso ni Mama,” ani Perla kaya natawa siya. Nakita niya na halos abutin ni Savvy ang buhok ng kaibigan pero tuluyan ng nakalayo ng dalawa ni Ho