Point of view - Keith Valentine - Hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang nangyari kahapon, "Takot na mawala ka sa akin." Umiling-iling ako upang matanggal ang bagay na iniisip ko. Bakit ko ba sinabi iyon sa babaeng ‘yon? E kaya ko lang naman siya binabantayan dahil gusto ni Vlad. Nakahiga ako ngayon sa aking kwarto at kinakausap ang aking sarili. Hindi ko alam kung maituturing na rin ba kong baliw o kasama na ako sa mga bampirang nasa confusion state dahil nalilito na rin ako sa iniisip ko at sa nararamdaman ko. "Hoy, Keith! Hindi ka ba papasok?" narinig kong tanong ni Volt na binuksan ang pinto ng aking kwarto. At sa pagkita ko sa kanyang mukha, naaalala ko ang bagay na sinabi niya sa akin. "In love ka lang tol" Ano ba kasi ang love?. "Hoy, ano ba. Keith?" mul