Point of view - Keith Valentine - Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkabagabag. Parang may kung anong nangyayari sa hindi kalayuan. Nakaupo ako sa may park ngayon dahil ayoko pang umuwi. At bigla ko nalang napansin ang pagkapula ng langit "Masama ang hinala ko rito." Mayamaya lang ay nawala rin ang pagkapula nito "Anong nangyayari?" saad ko. Nang akmang tatayo na ako, may narinig akong sumigaw "HINDE!" "Huh? Boses yun ni Rea!" Mabilis akong tumakbo at bumalik sa bahay nila. Anong nangyayari? hindi ako mapakale, nagaalala ako sa babaeng iyon. Nang malapit na ko sa kanila at nasa bungad na ako ng pintuan, nakaramdam ako ng matinding takot na nagpa-atras sa’kin. Hindi ko ito madalas maramdaman, nararamdaman ko lang ito pagnagagalit si Vlad at lumalabas ang lak