Point of view
- Rea Miller -
Bago kami umuwi ni Irish galling sa eskwela, naggala-gala muna kami. Hindi namin namalayan ang oras at medyo gabi nadin pala. Naglalakad kami ngayon. At paglipas lang ng ilang minuto kailangan na namin maghiwalay, dahil magkaiba kami ng way pauwi.
"Hay! bakit kaya hindi siya pumasok?" ano kayang nangyari kay Keith? Malungkot kong iniisip habang ako ay nakayuko. Ngunit biglang may dumating na kakaibang presensya, napatingin ako sa aking harapan at mayroong lalakeng nakatayo, nakasuot siya ng itim at mahabang kapa. At kulay puti ang buhok niya.
"Si-sino ka?" pautal-utal kong sabi
"So, ikaw pala yung tinutukoy niya, cute ka huh." Papalapit siya nang papalapit sa akin, pero hindi padin ako makagalaw. Tila naging kulay itim ang aking buong paningin, hanggang sa. Naramdaman kong hinawakan niya ako.
"Vlad!" huh! sino ‘yung sumigaw?, bulong ko sa aking sarili. Puro pandinig lamang ang aking nagagamit at tila may humablot sa’kin, napabitiw yung isang kamay na nakahawak sa’kin kanina.
“Anong ginagawa mo rito Keith?" rinig kong sabi no’ng isang lalake. Keith? si Keith ba?, tama ba ang aking hinala?.
"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan Vlad, anong ginagawa mo?"
"Gusto ko lang makilala ang magandang dilag na nasa ating harapan." Nakaramdam nanaman ako ng malakas na presensya, na tila punong puno ng galit.
"Hay! Sige, maiwan ko na nga kayo.” Huling kataga na narinig ko bago tuluyang tumahimik ang paligid, sa palagay ko umalis na yung isa. Ngunit mayamaya lamang ay nakaramdam ako ng pagkahilo, pinilit kong ibukas ang aking labi.
“Ke-keith” At tuluyan na ‘kong nawalan ng malay.
Isang madilim na lugar. Nakadirinig ako ng pumapatak na tubig.
"Rea... Rea..." Isang malamig na tinig ng isang babae ang naririnig ko,hindi kalayuan.
"huh, sino ka?” tugon ko.
"Tulungan mo ako, kailangan kita."
"Kailangan, para saan?"
"Kailangan kita."
"Sino ka ba?"
"Kailangan kita Rea." Ngunit no’ng malapit ko nang Makita ang mukha ng babaeng ito. Bigla na lamang siyang nawala.
"SANDALI!" Mabilis na bumukas ang aking mata dahil sa pagsigaw ko, saka ko lamang napagtanto na nasa harapan ko si Keith at nakatungo siya sa’kin. Na-realized ko na lang na nakahiga pala ako sa kaniyang binti.
"wah! Tipaklong ka!" Dalidali akong tumayo at tumingin sa paligid.
"Nasa’n tayo?" saad ko kay Keith.
"Nasa park."
"Anong nangyari? Wah! anong oras na?"
"2AM."
"What the! kailangan ko nang umuwi!" nang ako ay akmang aalis na, biglang nanghina ang buo kong katawan at muli akong bumagsak. Mabuti na lamang at nasalo ako ni Keith.
"Umupo ka nalang muna, mahina pa ang katawan mo," saad ni Keith sa akin
"Oo sige." Ang awkward kase kasama ko ‘yung crush ko, pero mas-awkward na walang nag sasalita sa pagitan naming dalawa, kaya sinimulan kong ibukas ang aking bibig.
"Ahm Keith?" Pag-uumpisa ko. Ngunit bago pa lamang ako mag-uusap ay bigla na lamang siyang nag salita.
"Sa susunod, ‘pag mga gan’tong oras na, h’wag na kayong magpagabi. Delikado na ngayon sa daan." Nagulat ako dahil ang haba ng sinabi niya, pero mas nagulat ako dahil sa kaniyang pag-aalala. Para siyang isang prinsipe na biglang dumadating tuwing nasa panganib ako
"Opo sir, hehe! pasiyensya na po,” saad ko. Ngunit hindi na siya nagsalita ulit, bagkus, siya ay tumayo na lamang.
"Aalis na ko," saad ni Keith.
"te-teka! teka! hindi mo ba ako ihahatid pa uwi?" Naramdaman ko ang paggapang ng kilabot sa buo kong katawan nang tiningnan niya ako ng matatalas niyang mga tingin.
"Ay hehe! sabi ko nga hindi eh,” biglang bawi ko sa aking sinabi.
"Saan ba ang bahay mo? tara na." Ayih! Kinilig naman ako sa pa-cool effect niyang pagkasabi. Matapos iyon ay nagsimula na nga kaming maglakad.
"Keith, puwede magtanong?" Naghintay pa talaga ako na sumagot siya, pero lumipas na ang ilang Segundo ay hindi siya sumagot. As usual, ano pa nga ba ang aasahan mo sa masungit s***h pa-cool effect na lalaki?. Kaya kahit hindi siya sumagot, nagtanong parin ako.
"Ilan ba kayong magkakapatid na Alba? I mean, kase ‘yong lalake kanina, kilala mo sya ‘di ba?" Tumigil siya sa paglalakad nang bigla kong masabi ang bagay na iyon.
"Hindi ako isang Alba"
"huh?" Nakatalikod siya sa’kin pero nagsasalita siya, kaya minabuti ko na maglakad patungo sa kaniyang unahan upang Makita ang kaniyang mukha.
"Pero bakit Alba ‘yung dala mong surname? Bakit kasama mo lagi ‘yung lalakeng Alba? At saka, bakit parang close na close kayo?" Sunod-sunod kong tanong.
"Shut up!" Muntikan nang lumabas mula sa aking dibdib ang puso ko nang bigla siyang sumigaw.
"Ah sorry," saad ko.
"H’wag kang makikipag kaibigan sa mga Alba, hindi sila mapagkakatiwalaan." Bakit pakiramdam ko ni wa-warningan niya ko sa pamilya niya.
Sa aming paglalakad, hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa aking bahay. At sa buong paglalakad naming na iyon, halos hindi na kami nag-usap. ‘Buti nalang may sarili akong susi ng bahay at nabuksan ko ito. Umakyat na ‘ko sa kwarto at natulog.
"Rea... pakiusap... kailangan kita." Heto nanamang panaginip na ito.
"ikaw nanaman?"
"Palayain mo ako Rea kailangan kita"
"Palayain?" At biglang dumilat ang aking mata
"Panaginip nanaman, ‘yon ulit?" Umikot ako at aksidenteng nasulyapan ng aking mga mata ang orasan.
"Wah! Anak ng tokwa’t baboy naman oh! late na ko!" Nagmadali akong nag-ayos at pumasok sa school 10AM na yata ‘yun, tapos 11am ako nakarating sa school, ang pasok ko 8am ang ganda ‘di ba? Hehe!. Sa pagdating ko sa classroom at sa aking pag-upo sa upuan, hindi ko mapigilang humikab ng mahaba dahil inaantok pa ako
"Oi Rea makahikab ka naman, late ka na ngang pumasok eh," saad sa akin ni Irish.
"Naku! Irish, kung alam mo lang kung anong oras ako nakatulog."
"Bakit?"
"Hay! mahabang istorya," tugon ko. Tiningnan ko ang mukha ni Irish at iyon, halatang-halatang curious siya, kaya hindi na lang ako nagsalita. Hanggang sa may mapansin akong mga babaeng nagkukwentuhan.
"Oi Friend, ang laki naman niyang butas sa leeg mo?" saad ni classmate number 1.
"Oo nga eh, no’ng nasa kakahuyan ako. Nakita ko may ganyan na sa leeg ko, ang sakit nga no’ng una. Baka kagat ng lamok."
"Ay grabeng laki naman ng lamok na ‘yan! Mag-ingat ka friend, ang alam ko may kumakalat na balita ngayon na meron daw bampira sa bayan."
"Talaga?"
“Oo! ang dami na nga daw namamatay.”
"Eh! ang cool!”
"Cool?”
"Oo! Kasi ‘di ba guwapo ang mga bampira?"
"Haha! Ewan ko sayo!" Bampira nanaman ang topic, hindi naman ‘yun totoo.
"Grabe noh Rea, ang dami nang namamatay tsk."
"Oo nga, pero sure naman akong hindi ‘yun dahil sa bampira."
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, dumating ang araw kung saan nabago ang pananaw ko
Kinabukasan, matapos ang aming klase.
Nakakainis naman, bakit kasi panggabi ang pasok ni Keith. Hindi ko tuloy siya masilayan.
"Oi! Rea, una na ako umuwi ngayon ah, madami pa kasi akong gagawin sa bahay," rinig kong saad ni Irish.
"Ah sige Irish, bye." Kailangan ko pa tapusin lahat ‘nung paper works na inutos sa’kin ng teacher naming. Medyo gabi na rin nang matapos ko siya.
"Hay! Salamat, tapos ko na rin." Isang malalim na buntong hininga ang aking nagawa, saka isinandal ang aking likod sa sandalan ng aking silya. Napalingon ako sa bintana at napansin ko ang malakas na ulan.
"Kung mamalas malasin ka nga naman oh! umulan pa," nasambit ko sa aking sarili.
"Ang alam ko walang pasok ngayon ang night class, sayang naman, kung kailan gabi na ako umuwi eh. Ang tagal na din simula ‘nung huli kong Nakita si Keith.
Noong gabing ‘yun, umuwi ako kahit malakas ang ulan. Kaso lang, ang malas kase wala akong payong. Habang naglalakad ako, may bigla akong napansin.
"Ano yun? Si Keith ‘yon ‘di ba? May kasama siyang babae." Sobra akong nasaktan sa nakita ko. Mahigpit ang yakap niya sa babae na parang ayaw niyang pakawalan. Kailan pa siya nagka-girl friend?
"Keith?" Lakas loob ko siyang nilapitan at tinawag. Nanlaki ang aking mata nang makita ko na puro dugo ang kaniyang bibig. Mabilis akong umakbo sa kaniyang kinaroroonan kasama ang hawak niyang babae.
"Ayos ka lang ba? Anong nangyare sayo?" Laking gulat ko nang nakita ko ang hawak niyang babae na naliligo sa sarili niyang dugo. Ang lahat ng usap-usapan sa bayan ay parang isang panaginip na tumakbo sa aking isipan, ayoko sanang maniwala sa bagay na pumapasok sa aking utak. Ngunit.
“Ke-Keith isa kang?” Nasambit ko habang nangingilid ang aking luha sa mata. Tila parang istatwa ang aking katawan nang magtama ang aming tingin. Ngumiti siya sa akin at mabilis na lumapit. At isang malakas na sigaw ang aking nagawa.
"Masamang espirito lumayo ka sa’kin!” sigaw ko at hindi ko namalayan na nahampas ko siya nang sobrang lakas gamit ang dala kong notebook.
"Rea?" saad ni Keith na tila nagising dahil sa aking nagawa.
"Anong ginagawa ko dito? at anong?" Sa kaniyang paglingon, nakita niya ‘yong kamay niya na may dugo at yung labi niya. nilingon niya yung babae at tumingin siya sa’kin na parang gulat na gulat.
"Rea ah--"
"H’wag kang lalapit!" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya, sa mga oras na ‘yun takot na takot ako sa kanya. Tumakbo ako palayo, mabilis na mabilis. Kung saan hindi niya ako maaabutan. Kung saan hindi ako maabutan ng isang bampira.
***
Point of view
- Keith Valentine -
"Oh ow! Patay ka kay Vlad niyan Keith,” rinig kong sabi ni Volt na ngayon ay dumating sa lapit ko.
"Volt burahin mo ang alaala niya bilis, habang hindi pa s’ya nakakalayo"
"Teka pare, wait lang, kalma! kaya nga ako nandito ‘di ba?" Ibinukas niya ang palad niya at...
"Sandali lang" nagulat kami nang biglang dumating si Vlad.
"Hayaan muna natin ang gan’tong sitwasyon, tingnan natin kung anong mangyayari sa susunod," saad ni Vlad na parang kampanteng kampante.
"Pero..." Hindi ko na natapos ang aking sasabihin.
Episode 5
Point of view
- Rea Miller -
Hay! ‘eto ako ngayon nakapalumbaba habang hinihintay ‘yung teacher naming ditto sa loob ng classroom. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. ‘Yung parang hindi totoo, na sana panaginip lang sya. Kasi naman, akalain mong totoo pala ‘yung usap-usapan tungkol sa mga bampira. At ngayon ‘yung crush ko pa. Grabe totoo ba ‘yun? Haist!.
S’yempre natatakot pa din ako sa nangyari kagabi, pero bakit ganun? Ni hindi ko man lang sinabi kay mama at papa ‘yung tungkol do’n, tapos no’ng gabing ‘yun, dumiretso lang ako sa kwarto ko at saka nagkulong. Hindi ba dapat sinabi ko na sa mga pulis ‘yun at sinabi sa lahat?
Anong nangyayari sa’yo Rea? bakit parang ayaw mong malaman ng iba ‘yung sikreto ni Keith? Eh isa naman talaga s’yang halimaw, o baka naman dahil sa gusto mo s’ya. At kaya ka nagkakaganyan dahil sa ayaw mo siyang mawala.
Ma-wala? Natigilan ako sa pag-iisip no’ng sumagi ang bagay na iyon. Kung sa bagay, ‘pag sinabi ko sa lahat ang bagay na ‘yon, tutugisin nila si Keith at papatayin, hind! hindi maaari ‘yon, dapat protektahan ko s’ya, saka feeling ko hindi naman s’ya masamang tao, nangangagat lang naman s’ya diba?.
Nangagat? Napanganga ako bigla at naalis ‘yung kamay ko sa baba ko. ‘yun na nga! nangagat s’ya, ibig sabihin delikado s’ya. Wah! nalilito na ‘ko kung anong gagawin ko. Ipagsasabi ko ba o hindi?
Pero saying, bakit sa ganoong sitwasyon ko pa nalaman ‘yung pagiging bampira n’ya? hindi ba p’wedeng in a romantic way? parang ‘yong napanood ko dati sa movie. ‘yung bidang lalake ay bampira, sabi nung lalake "Say it out loud." Habang binubulungan n’ya ‘yong bidang babae. Ayih! nakakakilig kaya ‘yun hehe! Ay ano bang iniisip ko? wala tayo sa movie Rea, totoong buhay to! hay naku!. Naalala ko tuloy ‘yung kuwento sa’kin dati ni mama no’ng 9 years old palang ako.
***
Nakaupo noon si mama sa higaan ko at nagkukwento siya ng mga Vampire stories.
"Mama totoo po ba ‘yung bampira sa mga stories?" saad ko noong ako ay bata pa.
"Haha oo naman anak, pero no’ng unang panahon pa yun. Alam mo ba yung mga ninunu natin, isa silang vampire hunter,"
"Vampire hunter?"
"Oo anak tumutugis sila ng mga bampira, pero dahil nga sa naubos na nila ito, nawala nadin ang mga vampire hunter."
"Wow! mama ang cool pala natin? ‘Pag laki ko gusto ko maging isang vampire hunter, at susugurin ko yung mga bampira."
"haha! ikaw talaga anak, sabi ko nga sa’yo ‘di ba? wala ng mga bampira sa panahon natin ngayon."
***
Akala ko niloloko lang ako ni mama that time, akalain mong totoo pala ‘yun, pero teka pano ‘yun? kung totoo ang mga bampira eh ‘di totoong vampire hunter ako?.
Haha! imposible namang mangyari ‘yun.
"Rea..." Oo tama, ako at si Keith magkalaban? Haha! hindi ko yun kayang gawin noh.
"Oi! Rea, hinahanap ka ni Keith." At isa pa ah- Naputol ang pakikipaglaban ko sa aking isip nang biglang marinig ko ang boses ni Irish. Napalingon ako sa kaniya nang mapagtanto ko na nakatayo na pala siya sa aking harapan.
"Irish ano yun?" nagtataka kong saad sa kaniya.
"Hay! Salamat, kanina pa kaya kita tinatawag. Sabi ko hinahanap ka ni Keith, ayun s’ya oh,” saad ni Irish, sabay turo n’ya sa pintuan ng aming classroom nando’n nga si Keith. Nakasandal s’ya sa may pintuan at naka-cross-arm, nakatingin siya sa’kin at hindi sinasadya na magtama ang aming mga mata, biglang tumaas lahat ng balahibo ko sa sobrang takot. Bumilis ‘yung t***k ng puso ko sa kaba, nanginginig na nga yata ako. Dinampot at binuksan ko ‘yung libro sa harapan ko at pinantakip ko ito sa aking mukha. Tumingin ako saglit sa bintana. May araw naman ah, ‘kala ko ba takot ang mga bampira sa araw? tsk. ang sinungaling naman no’ng mga nasa movie.
"Hoy! Rea, hinahanap ka nga ni Keith. Naririnig mo ba ‘ko?" sabay sabi ulit ni Irish.
"Ah Oo nadirinig kita, paki sabi wala ako, umalis, tulog."
"Umalis? tulog?" pagtatakang tinig ni Irish. Binalik ko ‘yung tingin sa librong hawak ko kahit hindi ko yun binabasa. Grabe! sobra ang kaba ko, hindi dahil crush ko s’ya ah, pero dahil alam kong isa siyang bampira. Bigla akong nagulat nang nawala bigla sa kamay ko ‘yung hawak kong libro. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko na sana ay hindi ko na ginawa, kasi pagtingala ng aking ulo. Nagtama ‘yung mga mata namin ni Keith. Oh! Great, nasa harapan ko na siya, nakababa yung tingin niya sa akin habang nakataas ‘yung kamay niya at hawak-hawak ang librong hawak ko kanina.
Nadirinig ko ang pagbubulungan ng mga classmates ko, pero ewan ko kung anong sinasabi nila, basta alam ko lang. Takot na takot na ako. Nagulat nalang ako nang nilapit ni Keith ‘yung mukha niya sa aking tainga at mahinang bumulong.
"Sumunod ka sa’kin kung hindi." Ewan ko kung sadya ba niyang pinutol ang kaniyang sasabihin, hinayaan niya muna akong lumunok ng laway bago dugtongan ‘yung salita niya. "Papatayin kita." Dagdag niya sa kaniyang unang sinabi. Sana pala hindi ko na hinintay ‘yung mga katagang yun.
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko, saka tingingnan ang kaniyang paglayo at paglakad mula sa aking kinaroroonan.
Oh hindi! Anong gagawin ko? katapusan ko na ba? kakagatin na ba niya ko? uubusin ba niya yung dugo ko? ‘yung atay ko, balun-balunan ko, ‘yung puso ko. Oh my gosh! Ito na ba ang katapusan ng buhay ko? Huhu! hindi manlang ako nagka-boyfriend bago ako namatay. Mama, papa, mahal na mahal ko kayo.
“Hoy! Rea,” napatakbo ako ng mabilis pasunod sa kaniyang kinaroroonan no’ng bigla siyang sumigaw.
***
Namalayan ko na lang na naglalakad na pala kami patungo sa likod ng school kung saan may maliit na kagubatan. Muntikan nang lumabas ang aking puso mula sa rib cage nito nang bigla siyang humarap sa akin, dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad.
"Alam na ba nila?" narinig kong saad ni Keith. Napatingala ako nang nagsalita siya.
"Wa-wala akong pinagsabihan," nauutal kong sabi sa kanya. Sobrang kinakabahan ako.
"Alam mo, ayos lang sa’kin kahit sabihin mo sa iba na halimaw ako." Napatingin ako sa mukha ni Keith nang muli siyang magsalita, parang sobrang lungkot ng hitsura n’ya. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay at inilagay sa likod ng kaniyang ulo, saka siya tumalikod sa’kin.
"’Pag sinabi mo sa kanila, papatayin nila ko. Ilang daang taon nadin naman akong nabubuhay. At sa palagay ko, sapat na ‘yun.” Bakit pakiramdam ko ayaw niya sa kalagayan niya ngayon? Nadarama ko ‘yung kalungkutan sa puso niya.
"At saka-“Napahinto siya sa pagsasalita nang muli siyang lumingon sa akin. "Bakit ka umiiyak?" saad niya. "huh? Umiiyak?." Hinawakan ko ang aking pisngi ko. At saka ko lamang napagtanto na lumuluha na ang aking mga mata. Luh! anong nangyari bakit nga ba ako umiiyak?
"ah eh, wala! Wala! hehe, napuwing lang ‘yung mata ko. ‘yun lang," tugon ko kay Keith habang mariin na pinapahiran ang aking mga mata. Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking mukha at pinahid ‘yung luha sa mata ko gamit ang kaniyang panyo, saka siya ngumiti ng kaunti.
"H’wag mo akong kaawaan Rea," Mahina at malalim niyang saad. Bumilis ang t***k ng aking puso. takot ba ‘to? O ibang t***k na? Bakit? Bakit pakiramdam ko ay mas lalo akong nahuhulog sa kaniya?. Mabilis akong napa-iling.
"Kahit kailan hindi ko sasabihin ang lihim mo! Kahit na ayoko sa mga katulad mo, hinding hindi ko sasabihin!" sunod-sunod kong sigaw sa kaniya. Totoong sinabi ko ba ‘yun? Nababaliw na ‘ko?
Halata sa hitsura ni Keith na gulat na gulat siya sa sinabi ko. Hala! nakakahiya, hindi ba dapat sabihin ko sa mga pulis ‘yon? Pero bakit parang may kung sino o ano ‘yung nagsasabi sa loob ko na ayoko.
"Nagkamali ka ng desisyon Rea." Tumalikod siya sa’kin at naglakad palayo sa aking kinaroroonan. Hanggang sa, naiwan na lang akong mag-isa dito sa maliit na kagubatan. Mali nga ba ang desisyon ko? mali bang protektahan mo ang taong mahal mo?.
Point of view
- Keith Valentine –
"Hoy! Keithy boy, anong nangyari? Nadispatsa mo ba ‘yung babae?" rinig kong saad ni Volt nang makasalubong ko siya sa daan, sa tapat ng aming eskwelahan.
"Alam mong hindi ko p’wedeng gawin ‘yan Volt, sabi ni Vlad ‘wag natin s’yang pakikialaman"
"Hay! ewan ko nga ba d’yan kay Vlad kung ano-anong naiisip." Naglakad na kami ni Volt pauwi ng bahay dahil mamaya pa naman ang night class. Ang babaeng ‘yon, bakit? Bakit niya ako pinoprotektahan?
Keith....
Bigla kong naalala si Rea, ‘yung babae sa panaginip ko. Anong ibig sabihin ng panaginip na ‘yon?
"Hoy! Keith, h’wag mo masiyadong isipin ‘yung chicks mo, baka mabaliw ka niyan,” dinig kong pang-aasar sa akin ni Volt.
"Siraulo!" Sabay tulak ko sa kaniya. Hay! Naku Rea, napaka misteryosa mo talaga
***
Point of view
- Rea Miller -
"Rea ano namang pinag-usapan niyo ni Keith at parang mainit ang ulo nya?" saad ni Irish habang nakapalumbaba sa aking lamesa.
"Ah Hehe, Irish wala ‘yun, nanghiram lang siya ng notes,” tugon ko sa kaniyang tanong.
"Notes? eh magkaiba naman tayo ng mga subjects at teachers."
"Eh kasi… ah basta! Mahabang istorya." Ningitian ko nalang siya at uminom ng hawak-hawak kong juice. Lunch time na naming at konting oras nalang magsisimula na ang night class. Gusto ko ulit makausap si Keith para mag-sorry sa pag-iyak ko kanina. Nakakahiya talaga.
"Irish, may meeting ba ulit kayo ngayon? alam mo na." Nagpapa-beautiful eyes pa ‘yung mata ko kay Irish.
"Wala eh kailangan ko ring umuwi ng maaga, aalagaan ko pa ‘yung mga kapatid ko." Oo nga pala, sila Irish, sampu silang mag kakapatid at siya ang panganay. ‘Di ba ang OA, ang sipag ng magulang niya huh! Buti ako unica ija hehe. Pero masaya din naman siguro magkaroon ng kapatid.
***
Natapos na ang klase at sumapit na din ang gabi. Gusto ko sanang makausap ulit si Keith kaya pinauna ko na sa pag uwi si Irish. Lumakad ako sa hallway ng school at hinihintay ko ang mga estudyante ng night class. Habang naglalakad ako, may nakita akong isang magandang babae, nakatingin siya sa bintana ng school at nakatingala. Mukha siyang manika, pero naka payong siya. Ang weird niya, bakit naman siya magpapayong sa loob ng school?. Dahan-dahan siyang tumingin sa’kin at ngumiti.
"Kamusta?" malamig niyang saad sa akin. Naparalisado ang buo kong katawan. Ganitong-ganito ‘yung nangyari no’ng nakaraang gabi, no’ng nakita ko ‘yung lalakeng may puting buhok. Dahan-dahan niya akong nilapitan.
"Bakit ka naman naglalakad mag-isa binibini?" saad ng misteryosang babae. Ang lamig ng boses niya. Bawat hakbang niya, tila nagpapahinto sa aking puso at hindi ako makahinga, hanggang sa nakalapit siya sa’kin.
"Ang bango mo naman,” saad niya. Nilapit niya ang kaniyang labi sa aking leeg, napapikit nalang ako bigla at...
"Cathy!" Nakarinig ako ng isang sigaw galling sa isang lalake. Sino ‘yon?.
"Oh! Keith, kamusta? late ka na sa klase huh."
"Bitiwan mo siya Cathy,” rinig kong saad ni Keith.
"Sino? Ah! eto bang binibini na ‘to? Bibitiwan ko rin naman siya mamaya." Akmang itutuloy na niya ‘yung ginagawa niya kanina, nang biglang, nagulat nalang ako na bigla siyang tinulak ni Keith palayo sa’kin.
"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo Keith!" Sigaw ni Cathy habang nakahawak siya sa kaniyang pisngi.
"H’wag mong gagalawin ang babaeng ‘to."
"At bakit? Huh!" Hinawakan ako ni Keith sa balikat at nilapit ang aking katawan sa kaniyang dibdib.
"Dahil sakin sya." Ano daw? kaniya ako?. Ene be,
"Ang sakim mo naman, hindi ko nman uubusin ang dugo niya."
"Tahimik!" Natahimik ‘yung babae. Pero, anong sabi niya? uubusin ang dugo? Ibig sabihin isa din siyang
"Bampira?" Tinakpan bigla ni Keith ang bibig ko dahil napalakas ‘yung boses ko.
"Well, well, well. Ngayon alam ko na." Mataray na sabi no’ng babae.
"Alam pala ng babaeng ito na bampira ka? pero bakit hindi niyo binubura ang alaala nya?" Binubura ang ala-ala?.
"Wala ka nang kinalaman do’n Cathy."
"Ows! Talaga? Mag-ingat lang kayo na hindi malaman ‘yan ni Lord Ego, kung hindi."
"Lagot kayo sa kaniya" Dinampot no’ng babae ‘yung nalaglag niyang payong kanina at umalis.
***
“Sino ang babaeng ‘yun? At sino si Lord Ego?" Sunod-sunod kong tanong kay Keith.
"H’wag ka nang mangialam dito Rea."
"Paano ‘ko hindi mangingialam, eh muntik na niya akong patayin." Nakaupo kami ngayon sa may hallway. Dumating na ang mga estudyante ng night class pero para silang mga zombie na hindi namamansin.
"Nakakainis kase si Vlad, kung sana, pinabura nalang niya ang alaala mo ‘di sana walang problema."
"At isa pa ‘yun. Ano ba ‘yung alaala na iyan? at bura-bura na iyan? Wala ‘kong maintindihan." Tumingin sa’kin si Keith na mukhang bagot na sa kaingayan ko, umiwas na din siya ulit ng tingin at nagbuntong hininga.
"Hay! Rea, madami ka pang hindi alam. Tingnan mo ang mga estudyante sa night class." Tumingin naman ako sa mga estudyanteng mukhang zombie at walang emosyon.
"Lahat sila bampira..."
"Ah gano- HUH?! la-lahat to?" Napakapit ako sa braso ni Keith nang ‘di oras, dahil sa gulat at takot na rin na baka bigla akong sugurin ng mga ‘to.
"Lahat sila nasa confusion state na."
"Confusion state?"
"Sila ‘yung mga tao na naging bampira dahil kinagat sila ng pure blood. Kung lalagyan ng bampirang iyon ng lason ang kaniyang pangil. Mapupunta ang isang taong infected sa mga newborn. At hindi kalaunan ay sa confusion state.
"huh? hindi ko gets, eh bakit sila gan’yan? Hindi nila ‘ko sinusugod."
"Dahil ‘yun kay Lord Ego. Si Lord Ego ay pure blood na bampira. At ang lahat ng bampirang iyan na nasa confusion state ay hindi pa nakakatikim ng dugo ng tao, kaya hindi pa sila interesado sa’yo,"
"Pero paano kung makatikim sila ng dugo?"
"Papatayin sila isa-isa ni Lord Ego, kung hindi nila malampasan ang confusion state pagnakatikim sila ng dugo. Hahanap-hanapin nila ito at papatayin ang lahat ng tao na parang isang halimaw na walang utak. At ayaw ni lord Ego na malaman ng mga tao ang tungkol saming mga bampira, kaya hanggat maaari sana, hindi niya malaman na may isang taong kagaya mo, ang nakaka-alam ng pagiging bampira namin, dahil siguradong papatayin ka niya." Papatayin niya ‘ko? Hala! anong gagawin ko? Sabi ko na hindi talaga ko makakapag-asawa eh.
"Oo, ang alam ko ‘muntik na ‘kong maging ganiyan dati katulad ng mga nasa confusion state, pero sa ‘di inaasahang pangyayari, nalagpasan ko ang confusion state."
"Dati? Ibig sabihin, hindi ka totoong bampira?" Tanong ko kay Keith.
"Ako ay unvampire."
"Unvampire?"
"Oo, nakalalabas ako sa init ng araw, wala akong kinatatakutan. Iba ako sa kanila, naiwan ang pagiging tao ko."
"ah" Tiningnan ko ang mukha niya at parang natutuwa ako, hindi dahil sa hindi siya purong bampira pero dahil. Naputol ang aking iniisip nang bigla siyang tumingin sa akin.
"Anong ni ngingiti-ngiti mo jan?" Tanong sa akin ni Keith.
"ah wala." Iniba ‘ko na ‘yung tingin ko, natatawa ako dahil sa unang pagkakataon, nagsalita si Keith ng madami.
"Rea..." Bigla kong narinig ang aking pangalan sa hindi kalayuan at napatayo ako.
"Rea..." Ayun nanaman siya. Lumingon-lingon ako sa aking paligid at pagtingin ko sa tuktok ng simbahan. May nakita akong babaeng naka-cross-arm, bigla akong naparalisa at hindi makahinga, sumakit ang aking puso at bigla akong bumagsak.
"Rea! Rea!" Naririnig ko pa ‘yung sigaw ni Keith. Pero, unti-unti nadrn akong nawalan ng malay.