Chapter 16 Nanatili siyang nakatitig para hintayin ang isasagot ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Asa ka naman!” pambabara ko. Lumingon ako sa direksyon ng kanyang table. Nakapatong doon ang mga papel na mukhang resulta ng classroom contest. “Na-compute na ba ang results?” mahinahon na tanong ko. Napalingon din siya roon. “Yes. Ay, oo nga pala! Wala pang prizes,” sagot niya at napahawak sa kanyang ulo. “Kailangan nang bumili ngayon pero anong kailangang bilhin?” Binalik niya ang tingin sa ‘kin. “Uuwi ka na ba?” tanong niya. Ang totoo, gusto ko na talagang umuwi. Pero dahil pagtunganga lang ang ginawa ko kanina, ngayon ako babawi. “Hindi pa naman,” sagot ko. “Bili muna tayo ng prizes?” “Sige.” Binalik ko na ang walis sa lalagyan. “Tara na,” sabi niya. Kinuha niya na ang ka