Chapter 20 KINABUKASAN pagbalik sa SGO office ay may nalaman kaming nakakagulat na balita. “Isang Ashford si Kevin?” gulat na tanong ni Uno. Kwinento ni Gabe na may violators na nakipagmatigasan sa kanila kahapon at muntik pang magkagulo. With action niyang sinabi ang pagtulak sa kanya kaya hindi na nakapagtimpi si Kevin at sinabi na siya ang anak ng may-ari ng school. “Bongga nga, Ate Vice, ’yung huli niyang sinabi. 'Punishment or Expulsion?'” malalim at nasa awtoridad na paggaya ni Gabe. “P-Pero hindi ibig sabihin, mag-iiba na ang trato n'yo sa akin. Ako pa rin ang Kevin na kilala n'yo,” nahihiya niyang wika. Kung iisipin, mag-iiba talaga ang tingin namin sa kanya dahil siya ang anak ng may-ari ng school. Pero gusto niya pa rin na itrato na isang normal na estudyante katulad namin