Chapter 39 ILANG linggo ang lumipas. Lalong kumalat sa social media ang s*x video scandal. Nagkaroon ito ng malaking epekto sa school dahil sa hindi maiwasang diskriminasyon at pambabastos sa mga estudyante. “Hassle,” wika ko sabay buntonghininga. Ngayon ay mag-isa akong naglalakad papunta sa terminal ng jeep. Hindi muna sumabay si Uno dahil may gagawin siyang project with Liya. Nakakapanibago na hindi kami magkasabay umuwi pero wala akong magagawa, hindi lang SGO ang kailangan niyang tutukan. Biglang sumagi sa isip ko si Ashley. Magmula nang may lumabas na video scandal ay parang naging wirdo ang mga kinikilos niya. Napapansin ko rin ang hindi maintindihang kaba at takot sa kanyang mukha. Hindi ako sanay na makita siyang gano’n, lalo na’t nakilala ko siya sa pagiging matigas at lal