Chapter 30 “Hays! Nakakapagod!” malakas na sabi ni Uno sabay lagay ng dalawa niyang kamay sa batok habang naglalakad. Pauwi na kami ngayon dahil mabilis natapos ang gawain. Masyadong ginalingan ng bullies ang pagtulong at halos sila na rin ang gumawa ng lahat. Nauna nang umalis ang ibang officers dahil may kailangan pa silang ayusin. “Bye, guys!” paalam ni Kevin habang kumakaway sa loob ng kotse. Kumaway rin kami ni Uno hanggang sa umalis ito. Napatingin ako sa isang bully na kasabay kong maglakad. Naaalala ko ang mukha niya dahil siya ang naghamon kay Uno sa tapat ng McDonald’s Take Out Area ilang araw bago mag-Acquaintance arty. Kitang-kita ko ang galit sa kanya noong mga oras na ’yon pero ngayon ay kasama na namin siya. Isa rin siya sa mga tumulong noong nabugbog si Uno. “Baki