Chapter 12 ILANG araw mula nang ipinatupad ang Violatetion. May mga estudyanteng hindi nadala sa pabuenamano ni Uno kaya nakatikim sila ng hell bowl. Nabubunot nila ang mahihirap na parusa kaya pagkatapos noon ay wala nang umulit. Sino’ng hindi madadala kung paglilinisin ka ng napakaruming banyo gamit ang tootbrush? Isa lang ito sa mabibigay na punishment ng hell bowl. “Update ko lang ang nakuhang pera, wala pang isang linggo naka-Ten thousand agad ang fund natin,” anunsyo ni Ashley at lumapit sa amin. “Well, tungkol sa violators, bumaba na ang bilang nila. Mukhang effective ang ginagawa natin,” singit naman ni Percy. Magandang malaman ang ganyang balita. Worth it din ang pagod namin sa pag-monitor ng school. Napatingin ako kay Uno. Nakapalumbaba siyasa kanyang table. Mukhang malalim