TWENTY-SIX: "Happy Valentines Day." John smiled widely and waved at me. Nagtaka ako. Paanong... Akala ko ba masama pakiramdam niya ngayon? Natigilan bigla ako sa naiisip ko nang makita ang masigla niyang ngiti at tila wala namang kaproble-problemang katawan, doon ko napagtanto ang lahat. So, ibig sabihin pala'y hindi totoo na may dinaramdam siya at hindi siya makakapunta rito ngayong araw? Everything was a set up! "There your beautiful girl comes!" tukso pa ng baklang emcee kay John habang naka-microphone at nakangisi sa akin. I saw John smiled and nodded. Nakarating kami hanggang sa stage at doon ako tuluyang pinakawalan ng intern saka kinuha ang posas sa aking mga kamay. Itinabi pa talaga ako sa asungot! "Couple mark lang po, maam, sir." bigla ay sabad ng isa sa mga committee haba

