Chapter One

1754 Words
NABULABOG ang natutulog kong diwa ng biglang may pumasok sa kuwarto ko. Hindi ko na tinangka pang tignan kung sino iyon dahil kilala ko kung sino ang laging pumapasok ng room ko na hindi man lang kumakatok bago pumasok. "Sofia, bumangon ka na d'yan." Aniya at hinila ang kumot na nakatalukbong sa buong katawan ko. "Five minutes pa Hakken." Paos kong sabi. Hindi ako pinakinggan ni Hakken at hinawakan ang magkabilang paa ko. Napamulat ako ng mata sa gulat. Tinignan ko si Hakken. Ngisi lang ang pinakita niya sa akin. Sabay hila sa paa ko. Napasigaw ako. "HAKKEN RYOU! TUMIGIL KA!" Hindi ako pinakinggan ni hakken kaya hinuli ko ang kamay niya at hinila siya. Sabay kaming nagulat ng pagkahila ko sa kaniya. Napaibabaw siya sa akin. Nagkatitigan kami. Ako na ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko kayang titigan siya sa mata ng matagal. Kapag kasi tumitig ako kay Hakken. Nalulunod ako at parang hinahalukay niya ang buong pagkatao ko Charr hehe. Ang totoo niyan inlove ako sa taong ito. Bata palang kami na ang magkasama. Hanggang ngayun hindi kami mapaghiwalay nitong si Hakken. Habang lumalaki kami ni Hakken mas lalo akong nagkakagusto sa kaniya. Tingin ko nga mahal ko na siya but sadly ayokong aminin sa kaniya ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya. Alam niyo na, natatakot ako na baka masira ang pagkakaibigan namin kapag inamin ko sa kaniya. Ayokong mawala sakin si Hakken. Makukuntento na lang ako kung anong meron sa amin. Ako na lang ang magsasakripisyo alang-alang sa pagkakaibigan namin. Kahit hindi niya na suklian ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ganito naman talaga ang love hindi ba. Kailangan ikaw ang mag-adjust. Ikaw yung tatahimik lang at walang gagawin sa taong mahal mo. Ang tanging magagawa mo lang ay palihim kang magmamahal sa kaniya. Ipakita sa kaniya na kahit anong mangyari nand'yan ka lang kapag kailangan ka. Ang purpose lang ng isang matalik na kaibigan ay nand'yan para sa isa't-isa lalo kapag may problemang kinakaharap. Naputol ang malalim kong pag-iisip ng magsalita si Hakken. "I have a date today." Aniya habang nakangiti. Alam ko na ang kasunod niyang sasabihin. "With Yvonne right?" I said and rolled my eyes. Tumayo na ako sa bed at kumuha ng damit sa closet. "Sofia, hanggang ngayun pa rin ba hindi mo matanggap si Yvonne? She's beautiful, kind and--" I cutt him off. "Don't bother to describe her. I know what kind of woman that Yvonne is. Don't praise her like a queen. Hindi pa rin siya papasa sa akin. She's not the right woman for you Hakken." I said. Lumapit sakin si Hakken. I get my things na gagamitin ko for today. "Why are you hate her so much? Mabait naman si Yvonne sa'yo. So saan nanggagaling yang pinaghuhugutan mo para hindi magustuhan si Yvonne." Hakken said. I let out a deep sigh and look at him. "Pagtatalunan pa ba natin to Hakken. Ayokong masira ang araw nating pareho so please stop." I know masyado ng kalabisan na pati babaeng mamahalin ng bestfriend ko ay kailangan ko hindi tanggapin para sa kaniya. Sa tuwing pinag-uusapan namin si Yvonne. Puro siya na lang kasi ang nakikita at iniisip ni Hakken. Alam n'yo 'yun? Yung feeling na nariyan ka lang at lagi kasama tapos ibang babae yung iniisip niya. Ang sakit kaya. Halos madurog na nga itong puso ko sa araw-araw pero kinakilangan kong itago itong sakit na nararamdaman ko. Hindi sa ayaw ko kay Yvonne. I don't hate her it's just that she's my rival to hakken. Ang hirap na kalaban ko siya sa atensyon ng lalaking mahal ko. Marami akong nasasaganap na chismis. Thanks to my marites friend Judith. Si Judith ang nagsabi sa akin na maraming nilalanding lalaki si Yvonne. Noon pa man mainit na ang dugo ko sa Yvonne na iyon. Sasaktan niya lang si Hakken na ayokong mangyari. Ito kasing si Hakken sa lahat ba naman ng babaeng gugustuhin niya si Yvonne pa. Sikat na model at sobrang ganda pa. Ano ba naman ang panama ko kay Yvonne. Hello, ito lang ako. Simpleng babae. Walang nagkakagusto kasi ang pangit ko raw 'yun ang sabi nila. Ewan ko nga rito kay Hakken at bakit hanggang ngayun kaibigan pa rin niya ako. Simula pagkabata namin marami ng nagkakagusto sa kaniya. At hindi ako nakaligtas doon. Habulin ng mga babae si Hakken. Hindi lang siya Gwapo, mabait at matulungin. Marami siyang katangihan na talagang mafa-fall ka sa kaniya. Kahit ilang beses kong layuan si Hakken. Hindi siya pumapayag na malayo ako sa kaniya. Sobrang sikat niya kaya nahihiya ako na ako palagi ang kasama niya. Kahit ganun, pangit man sa kanilang paningin atleast may Hakken ako sa buhay ko bwahaha.. Hindi ko mapigilang mapangiti. Maraming naiingit sa akin dahil sa pangit kong ito. Isang Hakken Ryou Alcantara lang naman ang bestfriend ko. Kaya maraming naiinis sa akin. Hindi nga ako nakaligtas sa bullies pero kahit ganun si Hakken ang tagapagligtas ko. "You're crazy." Sumimangot ako. "I'm not crazy." I said. "Yes you are.." pagpilit ni Hakken. Nameywang ako sa harap niya. "Pano, sige nga sabihin mo." Paghamon ko sa kaniya. "Kanina ang tahimik mo tapos ngayun bigla ka na lang ngingiti. Siguro pinapatay mo na sa isip mo si Yvonne ano.." Napamaang ako. "HOY HAKKEN RYOU PARA SABIHIN KO SA'YO KUNG TALAGANG PINAPATAY KO NA SA ISIP KO SI YVONNE. GAGAWIN KO YUN NG ACTUAL AT HINDI LANG SA ISIP KO." Inis na sabi ko sa kaniya. "See, talagang may galit ka kay Yvonne." I rolled my eyes. Iniwan ko na si Hakken at pumasok na sa bathroom. Nang matapos akong maligo at magbihis. Bumaba na ako para kumain. Naabutan ko si Hakken na kausap si Mama. Lumapit ako sa kanila at humalik kay Mama. "Good morning Ma." Bati ko sa pinakamaganda kong ina. "Good morning iha. Nakaluto na ako ng agahan. Kumain na kayo ni Hakken." Aniya. Agad kaming naupo ni Hakken at kumain na. "Ang takaw mo." Sita sakin ni Hakken. "I don't care.." ani ko at sumubo ng hotdog. Malakas talaga akong kumain lalo kapag naiinis ako. Naiinis ako kay Hakken. Napansin siguro ni Hakken ang pananahimik ko. Kaya nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. Pinagmamasdan ko lang ginagawa niya sabay ngiti niya sa akin. Natulala ako sandali at umiwas agad ng tingin. Bumalik ako sa pagkain at hindi pinapansin si Hakken. Oo na.. marupok talaga ako. Hindi ko kayang mainis ng matagal sa lalaking ito. Matapos kaming kumain. Nagulat ako ng biglang hawakan ni Hakken ang kamay ko at hinila na palabas ng house. Lakad-takbo ang ginagawa namin hanggang sa makarating sa house nila. Magkatabi lang ang house namin. Hindi lang kami magkaibigan ni Hakken both our parents ay matalik din na magkakaibigan. Magkasosyo din ang parents namin sa business. Kaya kahit anong gawin kong magpakalayo. Hindi mangyayari dahil sa magulang namin. Nadatnan namin si Tito Henry sa Salas. Busy sa pagbabasa ng newspaper. "Hi Tito Henry." Bati ko sa Dad ni Hakken. Ibinaba ni Tito ang hawak na newspaper at tumingin sa akin. "Oh iha. Good morning." Aniya. Hindi rin kami nagtagal ni Hakken dahil hinila na ako ng mokong sa room niya. Sinabi sa akin ni Hakken ang gusto niyang setup ng romantic date nila ni Yvonne. Hindi ako nakikinig sa kaniya. "You need to help me Sofi." Naibaba ko ang hawak na magazine. "Are you out of your mind? Hakken Ryou baka nakakalimutan mo na I don't know how to decorate or plan a romantic date. Kung gusto mo maghanap ka na lang kasama mo. Kaya utang na labas huwag mo ako idamay." Pagsusungit ko. Hindi sa wala akong alam. I'm willing to help him naman pero gosh hindi ako magsasayang ng oras o pagod para lang mapasaya ang babaeng iyon Never. "Sofi please. Alang-alang na lang sakin. Please tulungan mo ako. I want everything to be perfect. I want her to be happy." Nakikita ko sa mga mata ni Hakken ang pagiging desperado. Hindi ko mapigilan ang sariling masaktan. Eto na naman po tayo ano. Nasasaktan ng palihim. "Hakken please. Ayoko talaga." Lumapit na sa akin si Hakken. Hinawakan niya ang kamay ko. Titig na titig ako sa magkawak namin kamay. "Please Sofi. Hindi ko magagawa iyon ng walang tulong mo." Ano bang gagawin ko. Papayag ba ako o hindi? Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Konti na lang mapapa-Oo na ako nito. "Ewan ko sa'yo." Umirap ako at tumayo. Iniwan ko siya mag-isa sa room niya. Wala si Tita Carmen. Kaya si Tito Henry at Hakken lang ang nandito. Nagpunta ako sa garden at doon huminga ng sariwang hangin. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng makaalis sa room ni Hakken. Hindi ko mapigilang tumulo ang luha sa mata. Naabutan ako sa ganung tagpo ni Tito Henry. "Why are you crying iha? May ginawa ba sa'yo si Hakken? Pinaiyak ka na naman ba niya?" Sunod-sunod na tanong ni Tito Henry. Agad akong umiling bilang sagot. "Hindi po kami nag-away ni Hakken Tito." Ngumiti si Tito. Yung ngiting may laman parang ganun. "I know you like Hakken Sofia." Nanlaki ang mata ko. "Tito No.." agad kong sabi. Ngumisi si Tito. "Huwag mo ng ikaila pa Iha. Kilala kita at kahit hindi mo sabihin alam kong gusto mo ang anak ko. Yun lang dahil may iba na siyang gusto." Nalungkot ako sa huling sinabi ni Tito. "Tito.." "Iha, huwag kang mag-alala. Darating din ang lalaking para sa'yo." Parang siguradong-sigurado si Tito sa sinasabi niya. Naiwan ako ni Tito Henry na naguguluhan. Masyado ba akong obvious para malaman agad nila na may gusto ako kay Hakken. Nag-iingat naman ako para walang makaalam. Oh baka sadyang tanga lang talaga ako at hindi ko nahahalata na may nagagawa ako para magsuspect silang may gusto nga ako kay Hakken. Gosh, pano kung sabihin ni Tito kay Hakken. Siguro naman hindi. Erase.. erase.. ayokong maguluhan ang isip ko ngayung araw. Maiistress lang ako. Nagulat ako ng may biglang may bumulong sa akin. Humarap ako sa lalaking nasa likuran ko. Nawalan ako ng balanse dahil sa pagkagulat ko. Hindi ko inaasahan na sasaluhin ako ni Hakken. Hindi ko mapigilan ang sariling mapatitig sa mga mata niya. Sunod sa labi niyang mapula. Napalunok ako ng sarili kong laway. Parang ang sarap halikan itong mapulang labi ni Hakken. "Ate Sofia, Kuya Hakken?" Sabay kaming napatingin ni hakken sa bagong dating. Nakalimutan ko bang sabihin na may bunsong kapatid si Hakken? Well, eto siya at naguguluhang palipat-lipat ng tingin sa amin. Siya si Andrei Knite. Ang laging panira sa moment namin ni Hakken.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD