********* ALI Maaga akong nagising ngunit walang bakas ni Sancho sa loob ng kwarto. Ang parte nito sa kama ay tila hindi rin nabago ang ayos senyales na hindi ito natulog roon. Alam kong iyon naman ang gusto ko, ang hindi ito makasama sa iisang kwarto pero may bahagi ng aking utak na hindi mapigilang magisip. Bumangon ako at saka inayos ang kamang hinigaan bago pumasok ng banyo at maghilamos. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ng matapos akong magsipilyo at maghilamos, wala naman akong planong lumabas kaya hindi na muna ako naligo. Nagtungo ako sa elevator upang bumaba sa kusina. Medyo gutom na rin ako dahil nakalimutan kong maghapunan kagabi dahil sa mga nangyari. Hindi pa man ako nakakailang hakbang ay nakita ko ng papalapit si Desi. Wala na sana akong planong pansinin ito at lampas