Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. I sighed and dragged myself to get up. Napahimas naman ako sa batok ko dahil parang nananakit sa sleeping position ko. Kahit kelan talaga ito ang problema ko. Habang naghahanda ako nang kakainin ay bigla akong napatigil at napaisip. RIght, napagdesisyunan nga namin na magsabay sa pagpasok bukas. Ang tanong, what time are we going to leave? Napatampal naman ako ng noo ko dahil sa naalala ko na wala kaming usapan sa kung anong oras kami aalis. Great, kung maghihintayan kaming dalawa sure ako na anong oras na kami makakarating sa school. Kaagad ko na lang tinapos ang pag-init ko ng tubig at saka ko nilagyan ang instant noodles na nakatambay lang sa cabinet ko ng ilang araw. Wala akong balak kumain ng heavy breakfast ngayon lalo pa at maraming ga