ACT LIKE STRANGER

1378 Words
Napadilat ako nang mabilis at madali din naman akong napapikit dahil sa liwanag na tumama sa mata ko. Ipinatong ko na lamang ang kanang braso ko sa mga mata ko. I sighed, “That dream again,” I said as I tried to wake myself up. Napatingin naman ako sa isang puti na uniform na nakasampay sa dingding. Right, high school. Sa susunod na araw pa man ang pasukan pero parang yung katawan ko ayaw na pumasok. I flinched when I heard a knock on my room’s door, “Young Master Kenji, pinapatawag ka na po sa hapagkainan,” dinig ko sa labas. Napabuntong hininga na lamang ako. Wala naman akong magagawa dahil ilang buwan din akong hindi sumabay sa kanila, “Bababa na lang po ako manang maliligo lang ako,” walang gana kong sabi at narinig ko na lamang ang yabag niya palayo. I look at my reflection in the mirror, “Still the same as before,” I commented. “Maliban sa mga bags sa ilalim ng mata ko,” inis ko pang dagdag. Pinilit ko ang sarili ko na pumunta sa banyo upang maligo. Wala akong balak na sumabay sa kanila pero parang ngayon pa lang ay nakikita ko na sila mommy na nag-aalala para sa akin. I know that they are worried but what could I do? Hindi ko kaya ang mga balita sa akin. Inilublob ko ang sarili ko sa bath tub at saka napatingala sa kisame. Kahit na malayo sa school ko dati ang school ko ngayon siguradong may isa o dalawang tao na makakakilala sa akin. Kenji, palagi ka na lamang ba tatakas? Kahit ilang beses ko ulit ulitin ang sagot sa tanong na iyon ay parehas pa rin ang napasok sa isip ko. Hindi pa rin ako ganoon kadesidido para harapin iyon. Such a coward. Magtatagal pa sana ako sa pagbababad ko kaya lang narinig ko na naman ang katok at tawag ni manang kaya naman napabuntong hininga na lamang ako at kinuha ang robe saka ko ito binalot sa sarili ko. Kumuha rin ako ng tuwala at nilagay ko iyon sa ulo ko at habang naglalakad ay pinupunasan ko ang buhok ko. Binuksan ko ang pinto at nakita ko naman si manang. “Young Master Kenji,” tawag niya at tumango ako. “Magbibihis lang ako.” Nag-bow siya muna sa harapan ko ng saglit at saka naman siya naglakad papalayo. Sinara ko ulit ang pinto at saka nagsimula nang kumuha ng damit at magsuot. Hindi na ako nagtagal pa dahil baka mapagalitan na lamang ako ni mommy at mahalata pang talagang umiiwas ako sa kanila. Wala naman silang kasalanan, bakit mo sila iiwasan? Iyan ang isa sa mga tanong ko sa sarili ko pero hanggang ngayon wala akong lakas ng loob na sagutin. Lahat ng sagot ko ay may siguro. Nang makababa na ako ay kaagad ko rin naman narinig ang usapan nila sa dinning area. Nang makarating ako roon ay kaagad naman nila ako binati ng good morning. Of course, I greeted them back. Kumpleto kami ngayon maliban sa tatlo pa naming kapatid na omega na may kanya-kanya nang pamilya. Ako, si mommy, si daddy, ang triplets at si kuya Shou nalamang ang natira dito sa bahay. Mom said that anytime this year ay aalis na rin si kuya Shou since he found his own alpha. While eating I’m just observing them. Nakakainggit sila. Naiinggit ako kasi kaya nilang ngumiti ng walang problema, kaya nilang makipag-harutan. I wish I could be the me before. “Kenji, balita ko ikaw nangunguna sa whole grade ninyo.” Nakangiti na sabi ni daddy sa akin. Ngumiti naman ako, “Hindi naman, dad.” “Kenji, baby, ayaw mo pa rin ba ipaalam sa lahat na isa kang omega?” nag-aalala na tanong ni mommy sa akin. Napahigpit na lamang ang hawak ko sa kutsara at tinidor ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong sabihin sa kanila na oo pero ayoko rin naman na masaktan siya. “Mom, I think it’s better to hide it. After all, hindi kumportable si Kenji tungkol doon. ‘Di ba?” sabi ni kuya Ren at saka tumingin sa kain. Tumango naman ako, “Mom, I’m sorry—” Nakita ko naman na umiling si mommy sa akin at saka ito ngumiti, “You don’t have to say sorry. It’s your life, it’s your choice. Kung may problema ka, huwag kang mahihiyang manghingi ng tulong sa amin, ha? Pamilya mo pa rin kami.” Ngumiti na lamang ako kay mommy dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano ba ang dapat kong sabihin? Thank you? Para saan? Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain ko habang nakikinig sa usapan ng triplets. Nang malaman nila na malayo sa middle school namin ang kinuha kong high school ay kaagad silang sumama sa akin at doon din nag-transfer. Hindi ko alam kung para saan pero may hinala ako na dahil iyon sa akin. High school. Siguro naman hindi ito kagaya ng dati, ‘di ba? “Kenji!” I flinched when I heard my dad’s voice calling my name. Kaagad ako na napatingin kay daddy, “Pardon, dad? May sinasabi ka po ba?” tanong ko. Oh please, huwag ka sana magalit. Nakakatakot magalit si daddy at mapapasabi ka na lamang na sana hindi ko na lang siya ginalit kapag nakita mo na si daddy na galit. “May problema ba, anak?” tanong ni daddy at kitang kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Napayuko ng kaunti. Kenji, go and tell them. Huminga ako ng malalim saka ako nagsalita, “Mom, dad, is it okay if I hide my identity?” Walang nagsalita sa kanila. I know na masasaktan sila sa gagawin kong ito pero wala akong magagawa. Ayoko, ayokong mangyari ulit ang nangyari sa akin noon. Ayoko na masaktan. “Kenji…” “Dad, please?” “Kenji, ano pinagsasabi mo?” Kunot noong tanong ni kuya Haru sa akin. Napakagat ako ng labi, “Kahit na lumipat ako sa malayong school sigurado na may nakakakilala pa rin sa akin. I want a normal life, kuya Haru. Gusto ko malayo sa nangyari sa akin noong middle schoo.” Yumuko at saka ko binitawan ang kutsara at tinidor. “Kung pwede sana, huwag ninyo ako kausapin sa school. Let’s treat each other as a strager. Let’s act like a stranger,” dagdag ko. Nakita ko ang pagnganga nila at hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. I can see their fist clenched as they looked at me. Siguradong tinatansiya na nila ako kung nagbibiro baa ko o hindi. “Paano kung abutin ka ng heat mo?” tanong sa akin ni kuya Aoki. Napakagat naman ako ng ibabang labi, “Please? I’ll call you if I was in heat,” pagmamakaawa ko. Hindi naman sa ayaw kong makasama ang mga kapatid ko sa school, gusto ko lamang na lumayo sa kanila ng kaunti. Kenji, explain. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na ipaliwanag sa kanila kung bakit pero hindi ko magawa. Nakita ko rin naman na bumuka ang bibig ni mommy at parang may gustong sabihin kaso sinara rin naman niya kaagad. “Is that your decision?” tanong sa akin ni daddy. Tumango naman ako at narinig ko na lamang ang pagbuntong hininga niya. “Tama si Kenji. May mga taong nakakakilala sa inyong triplets kaya naman kung palagi ninyong makakasama si Kenji siguradong mauungkat nila ang nangyari kay Kenji noong high school.” Tumingin sa akin si daddy kaya naman tumitig ako sa mata niya. “Basta kung mararamdaman mo ang heat mo ay tumawag ka kaagad sa isa sa kanila. Meron din naman kayong leisure room sa school na iyon at pwede ka doon mamalagi kung mayroon kang heat,” dagdag pa ni daddy. Napangiti naman ako, “Thanks, dad.” “Huhuhu Kenjiiiii~ ayaw mo na ba sa amin?” Naiiyak na sambit ni kuya Aoki. Napangiwi naman ako nang makita ko na binatukan siya ni kuya Ren. “Overacting, Kiyo?” inis na sabi ni kuya Ren. Napailing na lamang ako at pinanood sila. A male omega. I’m a male omega and can bear a child from an alpha, however, my life would be at risk if I do that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD