NAPAHINTO sa paglalakad si Nastya nang maraanan ang isang partikular na rock sa kinaroroonang groceries. Napatitig siya sa item na naroon nang ilang sandali. Bigla ay napaisip siya. "Sobrang lampas na..." anas niya na medyo kumunot pa ang noo. Bahagya pa siyang napakislot nang may humawak sa magkabila niyang balikat. Nang lumingon siya ay nakita niya si Kirst. "Bibili ka ba niyan?" tanong pa nito na sinulyapan ang sanitary napkin bago ibinalik ang tingin sa kaniyang mukha. Pumihit siya paharap kay Kirst at umiling. "Hindi." "Hindi? Pero tinititigan mo 'yan. I think, nag-iisip ka ng brand na gagamitin mo," nangingiti pa nitong wika. "Paano ako gagamit niyan? Hindi pa rin ako nagkakaroon ng monthly period. Nang makita ko 'yang mga sanitary napkin, saka ko lang na-realize na hindi pa ako

