"David, bakit dito mo ako dinala?" kinakabahang tanong ni Shantelle. Hindi siya sa restaurant dinala ni David kundi sa isang park.
"Gusto lang kita makausap ng maayos," tugon nito na hindi tumitingin sa kanya.
"Ano pa ba ang pag-uusapan natin? Malinaw naman na sinabi ko sa iyo na kalimutan mo na ako!"
"Shantelle, alam mo naman kung gaano kita kagusto, hindi ba? Bakit mo ako pinagpalit?" malungkot ang mga matang nakatitig kay Shantelle.
"David, hindi lahat ng oras o panahon kayang panindigan ng isang tao ang pangako niya. Sa halos dalawang taon mo sa ibang bansa, marami ang nagbago."
"Ano ang nagbago, ha? Nagbago ang pananaw mo sa buhay? Kasama ba sa nagbago na sinasabi mo ang akitin ang isang Stanley Hao!?" pangungutya nito sa kanya.
Isang sampal ang ipinadapo ni Shantelle sa mukha ni David. "Hindi ko akalain na ganun kabawbaw ang tingin mo sa akin!"
"Then tell me the truth!"
"Ipinakasal ako ni Lolo sa kanya!" nangilid ang mga luha sa mga mata ni Shantelle.
"Bakit ikaw? Hindi ba si Ashley ang dapat ikasal? Paano nangyari na ikaw ang pinakasalan ni Stanley? Iyong tungkol sa video paano mo ipapaliwanag iyon!?"
"H-hindi ko alam! I was drug by that time! Hindi ko alam paano ako napunta kay Stanley. Si Lolo, siya lang ang pumilit sa akin na pakasalan si Stanley." tuluyan ng nalaglag ang mga luha ni Shantelle.
"Ibig mo sabihin wala kang gusto kay Stanley noong mga oras kinasal ka sa kanya?"
"Wala, dahil hindi ko naman siya nakakausap o nakakasama man lang bago ang kasal. Oo nakikita ko silang magkasama ni Ashley pero hanggang doon lang iyon," humihikbing wika ni Shantelle.
"So, may balak kang hiwalayan siya?"
"Ako oo, pero si Stanley wala siyang balak makipag-devorce."
"Shantelle, hiwalayan mo siya."
"Gustuhin ko man wala akong kakayahan."
"Sumama ka sa akin magpakalayu- layo tayo."
Agad na niyakap ni David si Shantelle.
"David, ano ba? Bitawan mo ako!" nagpumiglas si Shantelle.
Hindi naman nagpatinag si David bagkus hinawakan nito ang mukha ni Shantelle gamit ang dalawang palad at agad siniil ng halik.
Nanlaki ang mga mata sa gulat si Shantelle. "How dare you!" buong pwersa niyang itinulak si David.
"I'm sorry, nadala lang ako," hinging paumanhin nito sa kanya.
Matalim lang siyang tiningnan ni Shantelle, mabilis niyang kinuha ang kanyang hand bag at lumabas ng kotse.
Walang lingon siyang naglakad, kinamumuhian niya si David dahil sa ginawa nito.
Habang naglalakad papalayo biglang bumuhos ang ulan. Walang dalang payong si Shantelle, at nagkataon na wala rin masisilungan sa lugar na iyon. Nagmadali siyang pumara ng taxi para makauwi sa mansyon ng Hao.
Napasabunot na lang sa sariling buhok si David habang nakatanaw sa papalayong si Shantelle. Bigla siya natigilan ng marinig ang pag ring ng cellphone. Hindi niya ito pinansin, mabilis niyang pinaandar ang sasakyan para habulin si Shantelle. Nag-aalala siyang mabasa ng ulan si Shantelle.
Malayo na ang tinakbo ng sasakyan ni David, ngunit wala na sa lugar na iyon si Shantelle. Muli na naman tumunog ang cellphone. Agad niya iyon dinampot at sinagot na hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag. "Hello?"
"Hello? Sino ito?" tugon ng nasa kabilang linya.
"Ikaw ang sino?" sa inis agad na pinatay ni David ang cellphone. Napatingin siya sa hawak sa cellphone at laking gulat niya na hindi pala sa kanya iyon.
*** Hao villa ***
"Sh*t!" hinagis ni Stanley ang hawak na cellphone nang marinig ang boses ng lalaki. Naglakas-loob siyang sumama sa ibang lalaki? Ano ang gusto niyang palabasin?
Galit na galit ang ekspresyon ng mukha ni Stanley.
"Young Master, dumating na ho si Young Mistress." magalang na wika ni Uncle Dan.
Pagkapasok ni Shantelle sa mansyon, nagpalinga-linga siya. Hindi mahagilap ng mga mata si Stanley. Agad niyang tinungo ang hagdan para umakyat na. Ngunit nasa unang baitang pa lang siya ng may malamig na boses ang tumunog sa likuran niya.
"Saan ka galing?"
"Sa trabaho saan pa nga ba?"
"Sino ang kasama mo?" tanong nito.
"Natural mga ka trabaho ko."
"Bakit ka ginabi? Hindi ba sinabi ko na kailangan saktong oras nasa bahay ka na?"
"I'm sorry, naabutan kasi ako ng ulan kaya hindi ako nakasakay agad."
"Nasaan ang cellphone mo bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?"
"Nasa bag, hindi ko narinig na tumawag ka."
"Akin na ang cellphone mo."
Napakunot noo si Shantelle nang marinig iyon. Hindi niya maintidihan kung bakit tila galit na naman si Stanley sa kanya. Agad niya tiningnan ang hand bag para kunin ang cellphone. Ngunit hindi niya makita.
"Wala sa bag ang cellphone ko," wika ni Shantelle. Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib. Tiyak na paparusahan na naman siya ni Stanley.
"Sumunod ka sa akin!"
Hinawakan siya sa kamay at hinila paakyat sa taas.
"Stanley, nasasaktan ako!" hinila ni Shantelle ang kamay niya.
Matalim naman siyang tiningnan ni Stanley. At walang sabi-sabi ay agad siya nitong binuhat.
"Stanley, ibaba mo ako!"
Tila wala itong narinig nagpatuloy lang ito sa paghakbang paakyat ng hagdanan.
Hindi naman magawang magpumiglas ni Shantelle, natatakot na baka malaglag. Napahawak na lang siya sa leeg ni Stanley. Alam na niya ang gagawin ni Stanley sa kanya. Tiyak gagamitin siya nito ng paulit-ulit ngayong gabi dahil sa galit nito sa kanya.
"Buksan mo ang pinto," utos nito sa kanya nang marating nila ang masters bedroom. Hawak siya ng dalawang kamay nito kaya hindi nito mabuksan ang pinto.
Agad naman iniunat ni Shantelle ang kamay at pinihit ang doorknob.
Pagkapasok sa loob nagtaka si Shantelle kung bakit sa banyo siya diniretso ni Stanley.
Agad siya nito ibinaba at sinabi, "akin na ang bag mo."
Kinuha nito ang bag at lumabas ng banyo.
Mayamaya pa bumalik ito. "Hubarin mo ang damit mo!"
Bigla naman nanlaki ang mga mata ni Shantelle. Kumabog ng husto ang dibdib. Sa banyo siya gagamitin ni Stanley?
Pagkatapos sabihin iyon tinungo nito ang bathtub at pinaandar ang gripo.
"Ano pa ang tinatayu-tayo mo riyan? Hubarin mo na ang damit mo. Gusto mo bang magkasakit ka dahil sa lamig? Tingnan mo nga iyang damit mo basang-basa!"
Natigilan si Shantelle sa sinabi ni Stanley mukha mali ang iniisip niya.
Pagkatapos sabihin iyon ay hinawakan nito ang tubig sa bathtub at muling nagsalita. "Sakto na itong init ng tubig makakaya na ito ng katawan mo."
Pagkatapos sabihin iyon ay lumabas na ito ng banyo.
Naiwan naman na natigagal ni Shantelle. Akala niya ay paparusahan na siya ni Stanley. Akala niya ay magdamag siya gagamitin.
Mabilis na naghubad si Shantelle at inilublob ang katawan sa bathtub. Kanina pa siya nakakaramdam ng lamig dahil sa nabasa ang kanyang mga damit.
Matapos ang ilang minuto ay umahon na si Shantelle. Agad siyang nagbihis at tinuyo ang buhok. Pagkalabas niya ng banyo ay hindi niya nakita sa loob ng kwarto si Stanley.
"Saan kaya siya? Galit ba siya sa akin?" bulong ni Shantelle.