Chapter 8

1162 Words
"Shantelle, alam mo bang puwede mo na akong matulungan sa ngayon? Alam mo naman na ang hirap talaga makapag-ipon kung ang sahod ay kulang pa sa gastusin," wika ng kaibigan ni Shantelle. "Theresse, alam mo naman kung gaano ko ka gusto na matulungan ka, pero hindi ko gusto ang nangyayari sa buhay ko ngayon," halos maluha-luha na tugon ni Shantelle sa kaibigan. "Shantelle, just give him a chance malay mo baka mapamahal ka rin sa kanya sa takdang panahon," pangungumbinsi ng kaibigan sa kanya. "Hindi ko alam Resse, hindi ko pa rin tanggap na may asawa na ako," wika ni Shantelle sabay sulyap sa relo niya. Trenta minutos na lang bago mag-alas singko. Bigla siya napatayo at sinabi, "Resse, mauuna na ako, ha? Kailangan ko ng bumalik sa Hao family." "Sige balitaan mo ako, ha? At pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko sa iyo," wika nito habang hinahatid siya sa pintuan. Tumango lang si Shantelle at nagmadali ng bumaba. Naabutan niyang nakatayo sa gilid ng sasakyan ang driver, agad nitong binuksan ang pinto ng kotse para sa kanya. Tahimik lang si Shantelle habang pabalik sila ng Hao Villa. Naisip niya ang sinabi ng kaibigan tungkol kay David. Paano na lang kung malalaman ni David na ikinasal na siya? Paano ang pangako nitong pakakasalan siya pag-uwi nito galing abroad? Parang sasabog ang utak ni Shantelle sa isiping iyon, sinira ni Stanley ang mga pangarap niya. Halos bente minutos lang ang tinakbo ng sasakyan nasa harapan na agad sila ng Hao Villa. Agad na lumabas ang driver upang ipagbukas siya ng pinto. Pagkababa niya ng sasakyan agad sumalubong sa kanya ang lalaking edad kuwarenta. "Young Mistress, kanina ka pa hinihintay ng Young Master," bungad na wika nito kay Shantelle. Bahagyan lang ngumiti si Shantelle at tinungo ang hagdan at umakyat na sa ikalawang palapag. Sa ikalawang palapag sampong kwarto ang naroon, hindi alam ni Shantelle kung saang kwarto naroon si Stanley. Nagpasya siyang buksan ang unang pinto, bumungad sa kanya ang matipunong katawan na nakahiga sa kama. Nakapikit ang mata nito tila mahimbing na natutulog. Buti naman tulog na ang kumag na ito. Akmang isasara na ni Shantelle ang pinto nang marinig ang baritonong tinig, "Bakit hindi ka pumasok?" Napalingon si Shantelle, akala niya tulog na si Stanley, "Akala ko kasi tulog ka na." "Pinahirapan ka ba nila?" agad na tanong nito na nakakunot ang noo. "Bakit mo pa tinatanong kung alam mo naman ang sagot? Huwag ka na nga magkunwaring nag-aalala ka sa akin," wika ni Shantelle na galit ang tono. Bakit pa ba niya tinatanong sigurado namang ibinalita na sa kanya ng driver. "You really hate me?" tanong nito. "Oo, kinamumuhian kita! Hinding-hindi kita matatanggap na asawa ko, kaya ikaw maghanap ka na ng babae na kaya kang mahalin at mamahalin mo rin," galit na wika ni Shantelle. "If l fell in love with you, would you believe it?" Stanley stood up, and with his tall and fierce posture, he walked step by step towards her. When he stood in front of her, he had his hands behind his back, his thin lips were almost next to her ears as he whispered. "At sino naman ang maniniwala sa kasinungalingang iyan!" sa takot ni Shantelle agad siyang dumistansya kay Stanley at pahabol na sinabi, "Being liked by someone like you is simply a nightmare." The smile on Stanley's handsome face froze, and his gaze turned cold once again. "Very good, then prepare to have nightmare for the rest of your life. I'm going to get you." Naisip ni Shantelle na sana namatay na lang siya hindi niya maatim pakisamahan ang lalaking kinamumuhian niya. "Puwede mo bang sabihin sa akin ang dahilan bakit ako ang pinili mong pakasalan?" curious na tanong ni Shantelle, "Marami pang apo si Lolo na mas karapat-dapat sa iyo, puwede kang mamili sa kanila kung gusto mo." "Ang pagpili ko sa iyo ay may malalim na dahilan, isa pa nararapat lang sa pamilyang See ang kahihiyang dinanas nila." tugon nito. "Naghiganti ka lang kaya mo ako pinili? Ang unfair mo namang tao sa kagaya kung inosente. Naisip mo ba ang kahihiyang ginawa mo sa akin?" galit na wika ni Shantelle. "Inosente? Wala bang dugo ng See ang nanalaytay sa mga ugat mo para sabihin mong inosente ka?" "Ano ang ibig mong sabihin? Ampon lang ako at walang kahit ni isang patak na dugo ng See ang mga ugat ko!" natatakang wika ni Shantelle. "Malalaman mo rin ang totoo pagdating ng panahon." "Anong totoo?" "May utang na dapat bayaran ang Lolo mo! Utang na kahit kamatayan niya hindi ito mababayaran!" madilim ang mukhang wika ni stanley. Nanlaki ang mga mata ni Shantelle nang marinig ang sinabi ni Stanley. Hindi pa rin niya ito maintindihan hanggang ngayon. Hindi niya alam kung saan galing ang matinding galit ni Stanley sa Lolo niya na pati siya ay dinamay nito. "Stanley, puwede mo bang linawin sa akin ang lahat? Ano ba ang ginawa ni Lolo sa pamilya mo at bakit ganun na lang ang galit mo sa kanya?" "As I said malalaman mo rin sa takdang panahon." "Bakit hindi mo sabihin ngayon para hindi ako magmukhang tanga?" "Enough, let's not talk about this now, this is our wedding night, remember?" wika ni Stanley habang hinahawakan ang mukha ni Shantelle. Bigla siyang natigilan nang makita namumula ang mukha ni Shatelle, "Don't move!" "B–bakit? A–ano ang. . .Gagawin mo sa akin?" takot na takot na wika ni Shantelle. "Who did this?" tanong ni Stanley nang mapadako ang tingin sa mapulang mukha ni Shantelle. "Don't tell me you care about me?" Shantelle's expression changed slightly as she laughed mockingly. "You are my wife now, If anyone dares to harm my things, of course I will not let them go." Stanley's words were so domineering that it caused people's hearts to tremble. "Thing? Ganun ang tingin mo sa akin?" Shantelle had heard the most humiliating word in her life. "Otherwise? Do you think you have any other value?" Stanley liked to look at the shocked expression on her face, it was actually very cute. Sa matinding galit ni Shantelle kung puwedeng lumubog na lang sa kinatatayuan niya mas gugustuhin pa niya kaysa manatili sa lalaking hindi niya maatim na pakisamahan. Hindi niya pinangarap makasama ang ganitong tipo ng lalaki. Sagad sa buto ang kasamaan. "Hindi mo pa ba sasabihin sa akin kung sino ang nanakit sa iyo?" tanon ulit ni Stanley. "Ako ang gumawa nito sa sarili ko, ngayon kung gusto mo akong saktan dahil sa ginawa ko, then go saktan mo na ako." "You did it yourself?" Stanley had a face full of doubt and said, "Why so careless?" "Wala kang pakialam kahit pumangit pa ang–“ bago pa man matapos ni Shantelle ang sasabihin sinelyuhan na nito ang mga labi niya. Nanlaki ang mga mata ni Shantelle sa ginawa nito. Buong lakas niya itong itinulak, ngunit hinawakan nito ang kanyang ulo habang hindi pinapakawalan ang kanyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD