Chapter 24

1162 Words
Nanahimik ito saglit, maya-maya pa ay nagtatalon na ito sa tuwa. "Pumasa ako...isa ako sa magiging kontrabida sa buhay ng bida. Shantelle, ikaw talaga ako swerte ko." "Pumasa ka? I'm so happy for you Theresse. Ito na ang simula ng mga pangarap mo," masayang wika ni Shantelle habang niyayakap ang kaibigan. "Shantelle, maraming salamat. Makakabawi na ako sa lahat ng tulong mo sa akin simula pa noong una tayo magkakilala sa school." "Ano ka ba? Kaibigan kita. At ikaw lang ang pinakamabuting kaibigan para sa akin. Masayang masaya ako para sa iyo." "Shantelle, sana ikaw rin. Sana maging masayang ka na rin sa buhay mo ngayon. Alam ko nahihirapan ka pa sa ngayon pero pasasaan ba't matutunan mo rin tanggapin si Stanley sa buhay mo." Napawi ang mga ngiti ni Shantelle nang marinig ang sinabi ng kaibaigan. "Sana nga, sana makamit ko rin ang mga gusto ko sa buhay." "Makakamit mo rin iyon," niyakap siyang muli ng kaibigan. "Sisikapin ko rin na maging matagumpay sa larangan ng pag-aartista." "Susuportahan kita diyan," wika ni Shantelle habang tumutulo ang luha. "Ano ka ba? Huwag ka na nga umiyak diyan. Enjoy na lang natin kung anuman ang nangyayari sa buhay natin." Pinunasan nito ang mga luha sa pisngi niya. "So, dahil pumasa ka sa audition. Hayaan mong i-treat kita ng lunch." "Sige ba, ikinagagalak kung makasabay kumain ang Mrs. Hao." Napailing na lang siya sa sinabi nito. "Tumigil ka nga, hindi naman ako pareho sa iyo na malaya ang kilos." "Mrs. Hao ka pa rin, kahit malaya ka o hindi kinaiinggitan ka pa rin ng lahat ng kababaihan." Pumasok sila sa isang retaurant at nag-order ng lunch nila. Doon rin nalaman ni Theresse na natanggap din pala sa trabaho si Shantelle. Halos hindi ito makapaniwala. "Alam mo Shantelle, nagtataka na ako sa iyo. Alam mo kung bakit? Kasi hindi mo naman kailangan magtrabaho pa dahil ikaw ang asawa ng pinakamayamang tao sa lungsod natin. Bakit gustong-gusto mong pahirapan ang sarili mo? Bakit ayaw mong tanggapin at maging masaya na lang?" "Theresse, kahit na si Stanley pa ang pinakamayamang tao sa mundo. Kung hindi ko naman siya mahal paano ako magiging masaya sa buhay? Gusto ko lang naman magtrabaho dahil sa iyon ang pangarap ko. At iyon ang ikakasaya ko, aanhin ko naman ang yaman kung hindi naman ako masaya? Sa mundong ito, kahit na marami kang pera kung malungkot naman ang buhay mo wala rin saysay iyon." "Matanong ko nga pala, may kopya ka na ba ng marriage certificate ninyo?" "Bakit mo naman tinatanong iyan?" napakunot noog tanong niya. "Syempre, patunay na asawa ka talaga ni Stanley." "Wala, at wala akong balak na humingi ng kopya, no!" "Ay naku, gamitin mo naman utak mo bes. Yaman din lang na ginawa ito sa iyo ni Stanley. Aba! Utak na lang ang pairalin mo para naman makabawi ka sa kahihiyang ginawa niya sa iyo. Bakit hindi mo gamitin ang pera niya at mag-enjoy na lang." Napaisip sandali si Shantelle, may punto rin naman ang sinabi ng kaibigan. "Siguro sa tamang panahon magagawa ko rin iyan." Tunog ng telepono ang nagpatigil sa usapan nilang dalawa. Napatingin si Shantelle sa cellphone niya na nakalapag sa mesa. Napakunot ang noo niya, hindi naka register sa phone book niya ang number pero kabisado niya kung sino ang may-ari ng numerong tumatawag. "Sino iyan? Si Stanley ba?" Tumango si Shantelle. "Lalabas muna ako sasagutin ko lang," wika ni Shantelle sabay tayo na rin para pumunta ng balkonahe ng restaurant. Patuloy sa pag-ring ang cellphone niya. Agad niyang pinindot ang answer button. "Hello? May problema ba?" Si Stanley na nasa kabilang linya ay napakunot ang noo sa tono ni Shantelle. "Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko?" "Sorry...Hindi ko kasi narinig agad. Maingay kasi rito." "Bakit saan ka ba ngayon?" "Kumakain kasama kaibigan ko." "Tapos na interview mo?" "Yes, at mag-uumpisa na ako bukas." "Ayaw mo ba mag-celebrate kasama asawa mo?" malamig ang tono na tanong nito. Saglit natigilan si Shantelle, celebrate? Kasama siya? "Go home early, I'll celebrate for you." Stanley didn't take her feelings to heart at all. He just hung up the phone after saying that as if he was a good husband to her. "Kahit kailan talaga!" inis na wika ni Shantelle. Tila wala man lang siyang karapatang tumanggi. Nang makabalik sa mesa si Shantelle, nakita ni Theresse na hindi maganda ang naging usapan ni Shantelle at Stanley ayun na rin sa ekspresyon ng mukha nito. Hindi na siya nagtanong pa, nilagyan na lang niya ng pagkain ang plato at sinabi, "ayan kumain ka ng marami para tumaba ka ng husto baka sakali hiwalayan ka na niya kapag naging pangit ka." Shantelle was stunned for a moment. She was instantly amused by her good friend's words. The resentment she had just been feeling disappeared, and she was able to eat happily once again. *** See villa *** Napatingin si Ashley sa salamin habang suot ang dress na galing kay David. Namangha siya nang makita ang sarili sa salamin, bumagay sa kanya ang dress na iyon. Agad siyang lumabas ng kwarto matapos ayusan ang sarili. Sumilip muna siya sa baba kung may tao, nang makita na wala ng natirang tao sa pasilyo ay mabilis siyang pumanaog ng hagdan. Dumaan muna siya ng mini bar sa masyon at kumuha ng isang boteng wine. Nagmadali siyang lumabas ng mansyon at tinungo ang gate. Pupunta siya sa bahay ng mga Silva halos ilang hakbang lang iyon mula sa masyon ng See family. "Humanda ka Shantelle, ipaparamdam ko rin sa iyo kung paano maagawan." Laking tuwa ni Ashley na hindi nakalock ang gate. Alam niyang si David lang ang tao roon dahil sixteen years old pa lang ito ng mag-migrate sa America ang mga magulang ni David. Agad siyang pumasok at tinungo ang pintuan ng bahay ng may malalaking hakbang. Marahan siyang kumatok sa pinto. Nakatatlong katok siya bago bumukas iyon. "S-Shan? B-bumalik ka? Binalikan mo ako?" agad niyakap ni David si Ashley sa pag-aakalang si Shantelle iyon. Suot kasi ni Ashley ang damit na bigay niya at dahil sa kalasingan akala niya si Shantelle ang nasa harapan niya. Napangiti si Ashley, gumanti siya ng yakap. Mukhang umayon sa kanya ang panahon. Hindi na niya kailangan pa lasingin si David para mapagtagumpayan ang plano niya. Tinulak niya ito papasok sa loob ng bahay at agad isinara ang pinto. "S-Shan, buti bumalik ka." Marahan niya hinawakan ang mukha ni Ashley. Pinakatitigan niya iyon at dahan-dahang ibinaba ang mukha para halikan. Hindi kumontra si Ashley, ito ang plano niya. Ang agawin ang pinakamamahal na lalaki ni Shantelle. The two of them kissed passionately as they walked towards the living room. Their clothes were taken off from the living room all the way to the bedroom. In the end, it was hard to say who took the initiative, but Ashley knew that she would break Shantelle's heart after that night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD