Chapter 33

1510 Words
Habang nakaupo sa resting chair sa hall, biglang nag-ring ang cellphone ni Shantelle. Noon lamang niya napagtanto, na hindi pala siya nakapag-file ng leave sa trabaho niya. Pinindot ang answer button at inilapit sa tainga. "Hello?" "Shantelle, pangalawang araw mo pa lang sa trabaho naglakas-loob ka ng magpa-late? Anong klasing empliyado ka? At naniniwala ka bang kaya kitang sisantihin ngayon din?" galit na galit ang boses na wika ni Kelly sa kabilang linya. Nilayo ni Shantelle ang kanyang telepono sa kanyang tainga nang marinig ang galit na boses ng boss niyang si Kelly. Nang matapos ito magsalita agad naman tumugon si Shantelle sa mababang tono, "Direktor Brills, huwag kang magalit. Naipit lang ako sa traffic. Kung sa palagay mo hindi ko nagagampanan ang trabaho ko ay puwede mo naman akong tanggalin anumang oras." Naisip sabihin iyon ni Shantelle dahil sa gusto na rin naman niya umalis bilang assistant ni Kelly. Pabor sa kanya kung si Kelly mismo ang magtatanggal sa kanya. Nang marinig iyon ay bigla naman nagbago ang tono ni Kelly. Hindi lingid sa kaalaman niya na gusto nang umalis ni Shantelle sa kumpanya niya at iyon ay hindi siya makakapayag. "Papayagan kitang magpakita sa harap ko dito ng alas diyes. Otherwise, I will punish you with the penalty of breach of contract!" Kelly Brills immediately hung up the phone after she finished speaking. Kumunot ang noo ni Shantelle. Naisip niya na hindi na nga maayos ang kasal niya pati ba naman sa trabaho hindi rin maayos? Mayamaya pa ay lumapit sa kanila si Grace at nakangiting sinabi, "Young Master, Young Mistress, pumasok na ho kayo para makuhanan kayo ng picture." Tumango lang si Stanley, tumayo na siya at hinawakan sa pulso si Shantelle para hilain papasok sa loob. Habang nakaharap sa camera ay hinawakan ni Stanley sa bewang ai Shantelle para lumapit sa kanya. "Young Mistress, please smile. Don't be so serious." Grace advised in a good mood. How could Shantelle make a smile that easily? Beside her ear, she heard a mans warning in a low voice: "Think about your grandfather. He's quite old, and it's not easy to maintain his entire See Family." As if she had hit Shantelle's soft spot, Shantelle, who had been frowning a moment ago, immediately forced a fake smile. Matapos makuhanan ng picture ay agad nagsuot ng sunglasses si Stanley at tumayo na para lumabas. Nang maramdam na hindi sumunod sa kanya si Shantelle, napakunot noo si Stanley at sinabi, "bakit hindi ka pa sumunod? Ano pa ang hinihintay mo?" Mabilis naman lumapit si Grace kay Shantelle at sinabi, "Young Mistress, ako na ang bahala dito puwede na kayo mauna ni Young Master." Napabuntong-hininga na lang si Shantelle at agad na tumayo. Mabilis naglakad palabas ng Civil Administration Bureau. Pagkalabas, at dahil sa inis ay hindi sumakay si Shantelle sa sasakyan ni Stanley. Sa halip ay pumara siya ng taxi at mabilis na sumakay. Madilim ang ekspresyon na sinundan na lang ng tingin si Stanley ang taxi kung saan lulan nito si Shantelle. Thirty minutes lang ay nasa Brills building na si Shantelle. Agad na tinungo ang elevator at agad na pinindot ang ikalawang palapag kung saan ang office ng boss niyang si Kelly. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa office ay galit na mukha na ng kaniyang boss ang bumungad sa kanya. Agad itong tumayo at nakapamaywang at pabulyaw na sinabi, "hoy Shantelle, hindi ba binalaan na kita kahapon na huwag na huwag mong akitin si David? Bakit nakita kita na sumakay sa sasakyan niya, ha? Naglakas-loob ka talagang suwayin ang bilin ko sa iyo!?" Hindi inasahan ni Shantelle na alam pala ni Kelly ang tungkol sa pagsama niya kay David. Ganun na ba kalalim ang pagtingin ni Kelly at ganun na lang ito kung magalit? Kakaiba rin pala kung magselos si Kelly, kulang na lang lunukin si Shantelle sa galit. "I–I'm sorry, Director, hindi na ho mauulit." nakayukong wika ni Shantelle. "Subukan mo pa ulitin at makakatikim ka sa akin! Tandaan mo akin lang si David at walang sinuman ang makakaagaw sa kanya! Nagkakaintindihan ba tayo?" "Yes po Director," magalang na sagot ni Shantelle. Inis na tinitigan lang siya ni Kelly at sinabi, "Lumabas kana at timplahan mo ako ng isang tasa ng kape. Lagyan mo ng maraming asukal," wika nito sabay talikod. "Okay po Director, may sa–“ "Wait dalawang tasa na pala para kay David ang isa." pahabol na utos ni Kelly kay Shantelle. Huminga muna nang malalim si Shantelle saka tahimik na tumalikod, at naglakad papunta sa mini kitchen ng office. Habang papalapit sa mini kitchen ay naririnig ni Shantelle ang kuwentuhan ng ilan sa mga empleyado. "Alam ninyo ang swerte ni Sir David at binigyan agad siya ng posisyon ni Ma'am Kelly dito sa kumpanya." wika ng isa sa empleyado ng kumpanya. "Oo nga, ei, akalain mo iyon kabago-bago lang ei may posisyon na agad. Siguro type ni Ma'am Kelly si Sir David," sabat naman ng isa sa empleyado. "Hay nalang wala na tayo tuloy pag-asa kay Sir David," wika naman ng isa pang empleyado sabay nagtawanan. Tahimik lang na pumasok si Shantelle at kumuha ng dalawang tasa para magtimpla ng kape. Hindi niya pinansin ang bulungan ng mga ito. Dahil wala naman siyang pakialam kung may gusto ba si Kelly kay David. Pero bakit hindi man lang siya naapektuhan? Bakit hindi man lang siya nakaramdam ng selos? Hindi kaya wala naman talaga siyang nararamdaman kay David? Pagkatapos magtimpla ay agad niya dinala ang isang tasa ng kape kay kelly. Ang isang tasa naman ay dinala niya sa office ni David. Kumatok muna siya bago pinihit ang siradura ng pinto. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay agad bumungad sa kanya ang gulat na ekspresyon ng mukha ni Ashley. "Shantelle!?" Nanigas sa pagkakatayo si Shantelle, hindi makapaniwala na naroon si Ashley sa opisina ni David. Agad naman tumayo si David at lumalit kay Shantelle at sinabi, "lumabas ka muna." Nang marinig iyon ay agad na umaksiyong tatalikod na si Shantelle, ngunit bago pa man niya nagawa ay isang maputing kamay ang nakita niya na agad na kumapit sa braso ni David. Hindi pa nakuntento sa pagkakahawak, isinandal pa nito ang ulo sa balikat ni David. "Ashley, anong ginagawa mo?" gulat na wika ni David. Sinubukan nitong itulak bahagya si Ashley. Hindi naman nagpatinag si Ashley at galit ang tono na sinabi, "David, bakit hindi mo pa sabihin sa kanya na magkatabi tayo natulog noong isang gabi? Takot ka bang malaman iyon ni Shantelle?" Nang marinig ito ni Shantelle, bigla siyang natigilan. Hindi kailanman sumagi sa isipan niya na mangyayari iyon sa pagitan nina David at Ashley. Kung ganun ay may relasyon sina David at Ashley? Paano nangyari iyon? "Ashley, tumigil ka nga!" galit na saway ni David kay Ashley. Nag-aalala siya sa mararamdaman ni Shantelle. "Totoo naman ang sinabi ko, ah! Bakit ba pinipigilan mo akong sabihin ito sa kanya?" Pagkatapos sabihin iyon ay si Shantelle naman ang binalingan ni Ashley. "Ano Shantelle, alam mo na ba ang pakiramdam ng naagawa, ha?" Alam ni Shantelle na kinasusuklaman siya ni Ashley hanggang sa kaibuturan. Normal lang sa kanya ang magsabi ng mga hindi kanais-nais na salita, kaya hindi nalang niya ito pinansin. "Director Silva, babalik na ho ako sa trabaho ko." magalang na wika ni Shantelle. Akma na sanang tatalikod ni Shantelle nang pigilan siya ni Ashley at sinabi, "Shantelle makinig ka, alam mo ba na may nangyari na sa amin ni David?" wika nito sabay harap kay David at sinabi, "David, sabihin mo sa kanya na totoo ang sinasabi ko." Labis na nainis si David nang marinig ang sinabi ni Ashley, nag-panic siya dahil hindi niya alam kung papaano iyon ipapaliwanag kay Shantelle. "Ashley, enough!" bulyaw ni David. "Bakit? Pagkatapos ko ibigay sa iyo ang p********e ko gaganituhin mo lang ako? Anong klasing lalaki ka?" galit naman na wika ni Ashley. "S–Shann, m–makinig ka sa akin may hindi lang pagkakaunawaan sa pagitan namin ni Ashley. Huwag ka maniwala sa mga sinasabi niya," agap na paliwanag ni David kay Shantelle. Kahit na nabigla sa mga narinig ay mahinahon pa rin itong sinagot ni Shantelle, "David, wala ka naman dapat ipaliwanag sa akin. Ang totoo n'yan ay masaya ako para sa inyong dalawa." "Shantelle, alam mo na ikaw lang ang gusto ko at–“ "Babalik na ako sa trabaho ko at baka pag-tsismisan pa ito ng mga tao." Hindi na pinatapos ni Shantelle ang iba pang sasabihin ni David agad niya itong pinutol at agad na rin tumalikod. Bagsak naman ang balikat na pinagmasdan na lang ni David ang imahe ni Shantelle na papalabas ng opisina. Nang sumara na ang pinto ay agad niya binalingan si Ashley at galit na sinabi, "at ikaw umalis ka na!" Napahikbi naman si Ashley nang marinig iyon. "Ashley, lasing ako noong gabi na may nangyari sa atin, tawagin mo na akong gago o tarantado pero hindi ko kayang tanggapin at mapapanindigan ang responsibilidad ko sa iyo. Sana hindi na ito malaman pa ng iba." mabigat ang tono ni David habang sinasabi iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD