"Lalabas lang ako may kailangan lang ako bilhin," paalam ni Shantelle nang makita si Stanley na pumasok sa kwarto.
"Sasamahan kita!" Ni hindi nagtanong si Stanley kung saan siya pupunta. Tumalikod siya at kinuha ang susi ng kotse sa bedside table.
Nagulat si Shantelle. Hindi na siya naglakas-loob na makipag-argue pa, hinarap niya ito at sinabi, "hindi na kailangan, sabihan mo na lang ang driver na samahan ako."
"I insist!" giit nito.
"Okay, ikaw ang bahala." Hinayaan na lang niya ito para hindi na nila pagtatalunan pa.
Tiningnan lang siya ni Stanley. Nagpatiuna na ito lumabas ng kwarto at bumaba.
Agad naman kinuha ni Shantelle ang handbag niya na nakapatong sa bedside table at sumunod kay Stanley.
Paglabas niya sa main door ng mansyon agad niya nakita ang isang itim na sports car na lumabas sa garahe at huminto sa harapan niya.
Bumukas ang pinto ng kotse at agad pumasok si Shantelle, naupo siya tabi ni Stanley. Pagkapasok ni Shantelle ay agad na umandar ang sasakyan palabas ng gate ng mansyon.
Pareho silang tahimik habang nasa loob ng sasakyan. At para hindi mainip ibinaling na lang ni Shantelle ang tingin sa labas ng bintana. Mayamaya pa ay napatingin siya sa lalaking matikas na nagmamaneho. Ang gwapo nito tingnan habang nagmamaneho, lalong bumakat ang mamasel nitong mga braso habang hawak ang manibela.
Nang akmang lilingon si Stanley ay agad na nagbawi ng tingin si Shantelle. Muli niya ibinaling sa labas ang tingin.
Pagpasok sa mataong lugar ng lunsod, binasag na ni Shantelle ang katahimikan. "Huminto ka na lang diyan sa harap ng grocery. Bababa na ako."
"Okay!" Nang makita ang grocery na tinutukoy ni Shantelle sa di kalayuan, agad niya kinabig ang manibela para itabi ang sasakyan.
Agad na bumaba si Shantelle nang huminto ang sasakyan.
"Magtatagal ka ba? Hihintayin na lang kita dito," tanong ni Stanley nang buksan ni Shantelle ang sasakyan.
"Saglit lang ako sa loob dito ka na lang," tugon niya.
Tumango lang si Stanley. Agad naman pumasok si Shantelle sa grocery at bumili ng mga kailangan niya. Lumabas din agad siya matapos bayaran sa counter ang mga pinamili niya.
Nang buksan niya ang pinto ng kotse, narinig niya na may kausap si Stanley sa Cellphone.
"Kung may mga reklamo ang pamilya Santos, hayaan mo lang silang lumapit sa akin. Hihintayin ko sila anumang oras," banayad na wika ni Stanley.
Nang marinig na binanggit ni Stanley ang pamilya ng Santos, biglang kinabahan si Shantelle. Agad siyang napatingin kay Stanley na ang attention ay sa kausap nito sa cellphone. Tahimik lang siyang nakinig.
"Wala silang karapatan na husgahan o pakialaman ang kasal ko. Ikakasal ako sa kung sino ang gusto ko. Personal kong pinili ang taong pinakasalan ko. Kung sa palagay nila ay nilabag ko ang aking pangako, hayaan mo sila mismo ang pumunta sa akin at ako na mismo ang puputol sa kung ano man ang namamagitan sa dalawang pamilya. Nagmamaneho ako ibaba ko na ito."
Agad na pinutol ni Stanley ang tawag at inihagis sa tabi ang kanyang mobile phone na galit ang ekspresyon ng mukha.
Agad na pinaandar ni Stanley ang sasakyan nang makitang nakabalik na si Shantelle.
Si Shantelle naman ay tahimik lang din. Hindi naglakas loob na magtanong kung sino ang kausap ni Stanley.
"Kailangan na nating magka-baby!" Basag ni Stanley sa katahimikan.
"A-anong sabi mo?" gulat na tanong ni Shantelle.
Binaling ni Stanley ang tingin kay Shantelle at inulit ang sinabi, "gusto ko na magka-baby na tayo, kailangan natin magkaanak sa lalong madaling panahon!"
Hindi makapaniwala si Shantelle sa narinig, wala siyang balak na magkaanak sila ni Stanley.
"Hindi, hindi, Stanley, hindi tayo maaaring magkaanak." Agad itong tinutulan ni Shantelle nang may matatag na tono.
Biglang dumilim ang mukha ni Stanley, hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Shantelle. Tinitigan niya ito at mariing sinabi, "hindi ka puwedeng tumanggi, buo na ang loob ko!"
"Hindi ako papayag." Agad na sinagot siya ni Shantelle na may malakas na boses.
Oo, iniisip pa rin niya ang tungkol sa diborsyo. Paano siya makakapayag na magkaanak?
Sagabal sa plano niya ang bata. Gusto ba ni Stanley na pagbawalan at kontrolin siya habang buhay?
"Wala kang karapatang tumutol!" mariing wika ni Stanley.
Sa galit agad niya pinaandar ang makina at tinapakan ang accelerator. At pinaharurot ang sasakyan.
Halos maiyak si Shantelle sa sama ng loob. Tutol siya sa gustong mangyari si Stanley. Hindi siya makakapayag na magkaanak sila.
Sa isiping iyon ay napatingin siya kay Stanley at mabigat ang loob na sinabi, "bakit ba wala akong karapatan tumanggi? Paano ako mabubuntis kung wala tayong magandang emosyon na pundasyon? Bakit natin pipilitin na magkaanak kung wala naman tayong damdamin para sa isa't isa?"
Hindi siya pinansin ni Stanley, nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho na tila wala siyang kausap.
"Stanley, narinig mo ba ang sinabi ko? Ayoko magkaanak sa iyo!" Galit na wika ni Shantelle.
"Sh*t!" biglang napapreno si Stanley sa galit.
Sa takot, mahigpit na napahawak si Shantelle sa seatbelt ng sasakyan.
Inihinto ni Stanley sa tabi ang sasakyan at galit na binaling ang tingin kay Shantelle at sinabi, "kung ayaw magkaanak sa akin kanino mo gusto magkaanak, ha!?" Galit na galit ang ekspresyon ng mukha ni Stanley habang sinasabi iyon.
Nabigla naman si Shantelle, agad siyang tumugon,
"Huwag mong baguhin ang usapan. Hindi ko sinabi kung kanino ko gusto magka-baby. Ayoko lang na magka-baby sa ngayon. Nagsisimula pa lang ang career ko. Isa pa napakabata ko pa para magkaanak..."
"Ano ang problema kung magkaanak ka sa ganyang edad? Kasal tayo at natural lang na magkaroon tayo ng anak."
"Kung gusto mo magkaanak edi maghanap ka ng babae na puwede mo anakan!" inis na tugon ni Shantelle.
"Kahit na ano pa ang sabihin mo, hindi ako interesado na magkaroon ng anak sa ibang babae. Gusto ko sa iyo lang!"
"Stanley, huwag ka naman ganyan. Sana naman respituhin mo rin kung ano ang desisyon ko. Hindi naman puwede na ikaw lang ang may gusto. Paano naman ako? Wala na ba talaga ako karapatan na tumanggi sa usapin na ito?"
Matalim lang siya tiningnan ni Stanley, muli nito pinaandar ang sasakyan at pinaharurot na naman iyon.
Pakiramdam ni Shantelle pinakasalan lang siya ni Stanley para pahirapan at kotrolin. Gagawin lang siyang parausan ni Stanley habang buhay.
Kailangan niyang makaalis sa puder ni Stanley. Hindi siya makakapayag na mabulok sa taong walang ginawa kundi ang saktan ang damdamin niya. Taong wala ibang inisip kundi ang sarili lang.
Dahan-dahang huminto ang sports car sa gate ng Hao villa, sumulyap sa kanya si Stanley at pabulyaw na sinabi, "bumaba ka!"
Tinapunan muna siya ng matalim na tingin ni Shantelle bago bumaba ng sasakyan.
Pagpasok pa lang niya sa mansyon narinig niya ang sinabi ni Stanley kay Uncle Dan.
"Mula ngayon, maghanap ka ng nutritionist na mag-aalaga kay Shantelle."
Sa galit mabilis niyang tinungo ang hagdan para umakyat. Narinig pa niya ang sagot ni Uncle Dan.
Agad na tumango si Uncle Dan na nakangiti, " Young Master, huwag kang mag-alala, paalagaan ko ng mabuti ang Young Mistress."
Pagtapos sabihin iyon kay Uncle Dan agad na umakyat si Stanley. Alam niyang galit na galit sa kanya si Shantelle.
Agad niya tinungo ang kwarto nila. Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto. Ang malakas na boses ni Shantelle ang bumungad sa kanya.
"Stanley, ilang beses ko ba sabihin sa iyo na hindi pa ako handa na magkaanak!"
"Buo na ang desisyon ko, hindi ka puwedeng tumanggi! Kung gusto ko magkaanak na tayo, kailangan magkaanak tayo."
Hindi na nakaimik pa si Shantelle. Kahit anong gawin niyang katwiran ay hindi siya mananalo sa isang Stanley Hao.
Agad naman tinungo ni Stanley ang banyo at naghilamos, pagkatapos ay nagbihis ito at nagmadaling lumabas ng kwarto.
Naiwan na nakatigagal si Shantelle, hindi niya alam kung ano ang gagawin para mapapayag si Stanley na hindi muna sila magka-anak.