Confident na tumayo sa harap ng lahat si David at ipinaliwanag ang concept design ng kanyang damit. Ipinaliwanag niya ito nang malinaw sa lahat, na dahilan upang humanga ang lahat sa kanyang umaapaw na talento.
Si Shantelle na tahimik lang sa tabi ay napahanga rin kay David. Aminado siyang dati ng magaling si David pero mas lalo ito gumaling ngayon.
Napatingin si David kay Shantelle, may bigla siyang naisip. "Miss See, may question or suggestions ka ba?"
Napadako ang tingin ng lahat sa kanya, hindi alam ni Shantelle kung ano ang isasagot. Bukod sa wala pa siyang experience sa trabaho. Hindi rin siya sanay na magsalita sa harap ng karamihan.
"Miss See, tinatanong ka ni Mr. Silva," baling sa kanya ni Kelly. "I'm sorry, Mr. Silva, baguhan lang siya at wala pang experience sa ganitong uri ng trabaho. At isa pa tinanggap ko lang talaga siya para maging taga timpla ng kape at taga serve ng tubig."
Napakunot ang noo ni Shantelle sa narinig, hindi makapaniwala.
"Okay, Director Brills, bilang baguhan sa trabaho puwede ko ba siya kunin sa team ko?"
"Sure, pero three months lang, kung hindi siya matututo alam na niya kung ano ang bagsak niya."
What? Gagawin lang niya akong tagatimpla ng kape? Paano kung malaman niya na asawa talaga ako ni Stanley Hao? Magagawa pa kaya niya akong utos-utusan?
"Meeting dismissed," wika ni Kelly.
Agad nagsitayuan ang ilan sa mga naroon at lumabas. Naiwan na lang sina David at Shantelle sa meeting room.
"David, ano ang ibig sabihin nito? Bakit ka bumalik at dito pa nagtrabaho? Hindi ba mas malaki ang offer mo sa ibang bansa?" hindi na nakatiis pa na hindi magtanong si Shantelle.
"Kailangan ko pa ba magpaliwanag sa iyo?" madilim ang mukha na wika nito.
"Hindi naman sa ganun, nagtataka lang kasi ako bakit kailangan mo magtrabaho rito e mas malaki ang offer sa iyo sa ibang bansa." Mahabang paliwanag ni Shantelle.
"Kung ano man ang naging desisyon ko, wala ka na roon. Total ikaw nag-desisyon ka rin naman na hindi ko alam. Matanong ko lang, ganun ka na ba ka ambisyosa para agawin ang mapapangasawa ng pinsan mo? Paano mo nilandi ang isang Stanley Hao?" kutya nito sa kanya.
Namula si Shantelle sa galit dahil sa sinabi nito. "Wala kang alam, kaya wala kang karapatan na husgahan ako. Isa lang ang masasabi ko, kahit kailan wala akong nilandi hindi ako lumandi at hindi ko ginusto ang nangyari."
"Talaga? Ipaliwanag mo nga sakin paano kayo nagkakilala ni Stanley kung talagang hindi mo ginusto ang nangyari?"
"Hindi na kailangan, kung ngayon pa nga lang hinusgahan mo na ako paano na lang kung sinabi ko sa iyo ang totoo?"
"Hindi mo na rin naman kailangan sabihin pa dahil alam ko na rin ang dahilan. Alam ko naman na dahil sa pera kaya ka nagpakasal sa kanya."
"Ganun pala kababaw ang tingin mo sa akin? Magtatrabaho ba ako rito kung pera ang habol ko sa kanya?" bakas ang galit sa tono na tugon ni Shantelle.
"Hindi ako naniniwala, kung hindi dahil sa pera bakit hindi mo ako hinintay? Hindi pa ba sapat sa iyo na may maganda akong trabaho?"
"Isipin mo kung ano ang gusto mo isipin, hindi kita pinipilit na paniwalaan ang mga sinasabi ko." Agad na niligpit ni Shantelle ang mga files na dala niya at lumabas na ng meeting room.
Sinundan na lang ito ng tingin ni David. Galit at poot ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Hindi niya lubos matanggap na ang babaeng pangarap niyang makasama habang buhay ay nasa piling na ng ibang lalaki.
Dahil sa bigat ng nararamdaman, patakbong tinungo ni Shantelle ang banyo. Hindi na niya kayang pigilan ang mga luha niya. Ang sakit para sa kanya na ganun na lang siya kung husgahan ni David. Agad niyang isinara ang pinto ng banyo at doon iniyak lahat ng sama ng loob niya. Napaka-unfair talaga ng mundo. Bakit ba nangyari lahat ng ito sa akin?
Hindi ako puwedeng magtagal rito. Kailangan kung luyuan at iwasan si David.
Nang mahimasmasan, agad na naghilamos si Shantelle. Inayos muna niya ang sarili bago lumabas ng banyo.
Napagdesisyunan niyang magpaalam na magresign na lang sa trabaho.
Napatingin si Kelly sa kanya, napangiti ito at sinabi, "bakit ka magre-resign? Nabasa mo ba ang contract na pinirmahan mo?"
Biglang natigilan si Shantelle nang maalala niya ang pinirmahang kontrata.
"Gusto mo bang magbayad ng one hundred thousand in penalty of breach of contract, o magpapatuloy ka sa trabaho mo?"
"Ano? One hundred thousand?" gulat na gulat si Shantelle.
"Yes, nakapasok ka sa kumpanya ko. Kinakatakot ko lang mangyari ay baka masulutan kami ng mga kagaya mong umaalis sa trabaho. Maaaring makakuha ka ng idea sa mga design na gagawin ng kumpanya in the future at nag-iingat lang ako na manakawan ang kumpanya ko."
Manakawan? Kakapasok pa lang niya sa trabaho at ni hindi pa nga siya nakahawak ng mga file na may lamang design. Paano niya mananakawan ang kumpanya?
"Just now, Director Silva submitted our most
popular brand for the first quarter. It's already a
secret that you participated in the entire meeting."
Kelly knew what she was thinking and tried to
remind her.
Wala nang nagawa pa si Shantelle, gusto niyang magalit ngunit pinigilan lang niya ito. Pumirma siya sa kontrata kaya kahit saang anggulo tignan wala siyang laban. "Okay, hindi na ho ako magre-resign."
"That's good, and let me remind you this Miss Shantelle See, huwag na huwag ka magkakamaling akitin si David. Akin lang siya, maliwanag?"
Napakunot noo si Shantelle, "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Nakita ko kung paano mo siya titigan, at ramdam ko na may gusto ka sa kanya," wika nito.
"Wala akong gusto sa kanya, trabaho ang sadya ko rito hindi para akitin ang kung sinuman."
"Binabalaan lang kita, sa isang katulad mo tiyak na ang mga katulad ni David ang target."
Hindi ko na siya kailangan akitin dahil gusto niya ako. Gustong gusto sabihin iyon ni Shantelle, ngunit pinili niya sarilinin na lang iyon. Baka kapag nalaman ni Kelly iyon ay tiyak na pag-iinitan pa siya.
"Huwag kang mag-alala, balaan mo man ako o hindi hindi ko magugustuhan ang katulad ni Mr. Silva."
"Mabuti kung ganun," turan nito.
"May ipapagawa na ho kayo sa akin, ma'am?" pag-iiba ng usapan ni Shantelle.
"Ipagtimpla mo ako ng kape," agad na tugon nito.
Hindi na umimik pa si Shantelle kailangan niya ito sundin dahil ito ang boss niya. Kahit na hindi ito ang trabahong in-apply-an niya wala siyang karapatan suwayin ito.
Akala niya magiging maayos ang trabaho niya sa Brills International Fashion Studio. Akala niya umpisa na iyon ng pangarap niya. Nagkakamali pala siya ng akala. Ramdam niya na hindi magiging madali ang trabaho niya sa kumpanya lalo na't ramdam niya na pahihirapan lang siya ni Kelly.
Akitin si David? Paano ko magagawa iyon? Baka pagnagkataon baka mapatay pa ako ni Stanley.
Napailing-iling na lang si Shantelle sa isiping iyon.