Sumbrelo

1432 Words
Sophia Mondragon 22 years old nag iisang Anak nila Don felipe Mondragon at Doña Felisa Mondragon, Maganda maputi may magandang katawan, matangkad, singkit, may magandang ngiti dahil na din sa dalawang biloy sa kanyang magkabilang pisngi, "Dahan dahan naman sa pagtakbo Binibini" Natatawang awat sa akin ni Cardo ang kababata ko,Hinihingal akong tumigil sa pagtakbo sa harapan niya. ",Sasama ako sayo papunta sa kabilang bayan, May bibilhin kasi ako duon" Sabi ko sa kanya dahil mukha na naman niya akong tatangihan, Hinde ko ba alam sa mga taong ito kung bakit parang ayaw nila ako makita ng mga tao sa ibang bayan. Nakita ko na napakamot siya sa kanyang ulo at alanganin na ngumiti. "Pero binibini baka mapagalitan tayo ni Tito Felife eh!" "Bukas pa naman ang uwe nila daddy diba?" At kasama ko naman si Maria" Sabay lingon ko sa likod ko kay Maria na abala sa pag-aayos ng dalawang payong na aming dadalhin, "Oh siya sige para hindi tayo gabihin hindi muna ako pupunta sa kabilang Hacienda, Ang hacienda na tinutukoy niya ay ang Hacienda Casivue, Hindi ko alam kung gaano kalayo iyon dito mula sa amin. Dahil kahit minsan ay hinde ko pa iyon napupuntahan. Piling lugar lang kasi ang mga napupuntahan ko, Dahil na din sa sobrang higpit ni daddy pagdating sa akin. Narating namin ang bayan kung saan makikita mo ang maraming bilihin. Pinagsuot ako ni Maria ng sumbrelo na hindi gaano makikita ang mukha ko at binigay sa akin ang payong Gusto ko sana kumilos dito sa labas nang katulad nila. Pero ang lagi nila katwiran kung hindi daw ako susunod sa kanila hindi na daw nila ako masasamahan dito dahil magagalit daw si daddy. Nagpunta ako sa bilihan ng mga libro at patago ako bumibile non dahil na din sa ayaw niya ako nagbabasa nang mga romance book dahil kung Ano-ano lang daw ang matutunan ko. Kahit kila Maria tinatago ko ito, Hinalo ko ang libro sa mga binili namin na damit. Pauwe na kami ng biglang nasiraan ang aming sinasakyan. "Maria'" Binibini'"dito lang kayo at titignan ko ang harapan nang sasakyan. Pagbibilin sa amin ni Cardo. Pero isang oras na niya itong ginagawa ay wala naman nangyari. Nakita ko na may paparating na sasakyan at huminto naman ito sa gilid ng kalsada at tinawag si Cardo. Sa pagkakarinig ko kay Cardo ay tinawag niya itong señorito Lambert. Nakita ko din na may nagbaba nang salamin ng bintana at sinilip sila Cardo, Nakita ko din ang dalawang babae na sa tingin ko ay kambal. Ang isa ay maganda at mukhang simple lang. Ang isa naman mukhang pala-ayos kay lalo siyang gumanda. Pero nakatawag pansin sa akin ang babaeng simple lang dahil mukha siyang mahiyain. May bumaba naman ulit na isang lalake sa kabilang pinto nang sasakyan nila. Mataas siya na tingin ko ay 5'9, Moreno May pagka longhair siya na may kulay brown pa ang kanyang buhok. Matangos ang ilong na tila parang laging may nakahandang ngiti. Pero dahil sa kanyang ngiti parang hinde siya pwede pagkatiwalaan dahil mukha siyang maloko. Napailing naman ako sa isipin na iyon. Kailan pa ako naging magaling kumilatis pagdating sa Isang estranghero na lalake. Pero biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang mapagawi ang kanyang tingin sa kinaroroonan namin ni Maria. Narinig ko na tinawag siya ng may pangalan na Lambert. Nakita ko din na papalapit na ulit sa amin si Cardo. "Binibini bumaba muna kayo susubukan itulak nila señorito Lambert ang sasakyan para mag start" Bumaba kami ni Maria na hinde ko inaalis ang suot ko na Sombrelo. Gumilid naman kami ni Maria Pero naramdaman ko na parang may nakatitig sa akin. Hindi ko na lang pinag- kaabalahan tignan kung sino siya. Tinutulak nang dalawang lalaki ang likod ng sasakyan habang si Cardo naman ay sinusubukan itong paandarin. Pero Naka-apat na subok muna sila bago ito tuluyan na umandar. Tinawag na kami ni Cardo para bumalik na sa loob nang Sasakyan. Pero bago ko naihakbang ang aking paa may umangat bigla nang aking Sumbrelo. Dahil mas mataas siya sa akin, Napatingala ako sa kanya at nagtama ang mata namin, Dahil nagulat ako sa ginawa niya napanganga ako sa kanya. Habang ginawa niyang pamaypay ang Sombrelo na kinuha niya mula sa ulo ko. " Hindi naman maaraw binibini bakit naman Naka-Sumbrelo ka? Tanong niya sa akin habang ginagawa pa din niya pamaypay ang hawak niyang sumbrelo ko. Hindi ako nakasagot sa kanya dahil labis ako nagulat sa kanyang inasal. "Ashlem!!" Dahil sa pagtawag sa kanya nang isang lalaki na parang galit. Sinuot niya na sa akin ang aking Sumbrelo. Ngumiti muna siya sa akin ako tuluyan na iwanan na napanganga pa din dahil sa kanyang ginawa "Magkikita ulit tayo binibini" Habang nasa biyahe na kami, Naisipan ko na tanungin si Cardo kung sino ang lalake kanina. 'Cardo sino ang hambog na iyon na umangat nang aking Sumbrelo?" Alam niya kung sino ang tinukoy ko dahil kahit sila nagulat sa inasal ng lalake na iyon. "Ahh binibini siya po si Sir Ashlem, pangalawang anak po ng may ari sa kabilang hacienda" Sumagot din si Maria. "Señorita baka nainitan po talaga siya Kaya hindi sinasadyang kunin ang sumbrelo ninyo At binibini Ang gwapo ng magkapatid ano? type ko si Sir Lambert kasi ang laki nang kanyang katawan" Napataas ang Isang kilay ko sa sinabi ni maria. Pero totoo naman talaga iyon maganda nga ang katawan nang tinatawag nilang Lambert, Pero para sa akin sexy yung Ashlem. Pilit ko inalis sa aking isipan ang huling naisip ko. "Kilala mo sila Maria?" "Opo Señorita lahat po ng tao dito kilala sila. kayo lang po ang hindi sila kilala kasi po limitado ang inyong Paglabas" Malungkot na sagot niya sa akin. "Si Señorito Lambert po ang namamahala sa Hacienda nila, Si Señorito Ashlem naman po ay hindi dito nakatira sa Maynila po" Paliwanag naman ni Cardo. "Ang dami po kadalagahan dito sa atin ang nag-kakainteres sa kanila Binibini. Pero sadyang mailap si Señorito Lambert, Hinde ko lang po alam kung ganoon din si Señorito Ashlem" Sabi pa ni Maria, Hindi na ako muling nagtanong at nagsalita pa. Ayoko nang mapahaba ang pag-uusap namin dahil may inis ako naramdaman pero hinde ko alam kung bakit.. *****Ashlem pov****** Nakapikit ako sa tabi ni kuya Lambert habang nagmamaneho siya, Ang dalawa ko naman na kapatid na babae may pinag-uusapan na hindi ko maintindihan, Napailing ako sa naririnig ko sa kanila. Ang mga babae talaga ang aarte. Kausap ko sa sarili ko. Naramdaman ko na huminto ang Sinasakyan namim na minamaneho ni Kuya. Minulat ko ang aking mata at nakita ko si Cardo na nasa kabilang gilid nang kalsada na tila nasiraan siguro ng kanyang sasakyan. Nakita ko na bumaba si Kuya Lambert para lapitan si Cardo. Sinenyasan din ako ni Kuya na lumabas para tulungan sila. Kilala ko si Cardo dahil minsan nagpupunta siya sa amin sa Hacienda. At ang alam ko din ay Nagtatrabaho din siya sa kabilang Hacienda na medyo may kalayuan na sa aming Hacienda. Bumaba naman ako.Pero dahil hindi naman tinted ang sasakyan na gamit nila Cardo, Napukaw ang aking atensyon sa Isang babae na nakaupo sa sasakyan nila dahil Naka-Sumbrelo ito. Nagtaka ako wala naman araw bakit ganoon ang suot niya. Paglapit ko sa kanila sinabi ni Kuya na itulak namin ang sasakyan para masubukan kung mag i-start ito. Nakailang subok muna paandarin ni Cardo ang kanyang sasakyan bago ito tuluyan na umandar. Muling nabaling ang aking tingin sa babae na naka Sumbrelo. Naka pantalon ito nang medyo fitted at white t-shirts, Hindi naitago nang kanyang suot ang maganda niyang katawan. Maputi din siya na hangang balikat ang buhok na may pagka-brown. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at gusto ko makita kung ano ang nakatagong mukha sa Sumbrelo na iyon. Bago siya tuluyan na makahakbnag papunta sa kanilang sasakyan, Lumapit na ako agad sa kanya. At walang sabi-sabi na inangat ko ang kanyang suot na Sumbrelo na kunwari ay pinamaypay ko ito sa mukha ko na naiinitan. Pero nagulat ako sa nakita ko, Dahil kahit napanganga siya sa aking ginawa napakaganda pa din niya. Hinde ako nagpahalata na nagulat ako sa nakita ko dahil kasama ko ang mga kapatid ko. Napagmasdan ko saglit ang kanyang maganda na mukha. Lubos na pumukaw sa akin ay kanyang maganda na magkabilang biloy sa kanyang magkabila na pisngi, Na kapag tumawa siya ay lalo pa ito na lalalim. Habang nasa sasakyan pauwe sa Hacienda hinde maalis sa isipan ko ang babae na naka-sumbrelo, Totoo nga ang sinasabi ni mommy nang mga bata pa kami. May diyosa daw na naninirahan dito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD