Parehas nakalusong ang aming mga paa ni Ashlem sa ilog habang nakaupo kami sa malapad na Bato, Hinde naman kami naligo dahil gusto lang talaga niya magpunta dito, bute na lang din at hinde natuloy dahil wala din ako dala na pamalit dahi naiwanan ko naman sa bahay nila sa sobrang pagmamadale ko para maiwasan sila Lambert at Stella.
"Sophia naniniwala kaba na pwede pang magbago ang isang lalake na kilala sa pagigigng "f**k BOY"'?
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa tanong niya, Pero ang kanyang Atensyon ay nasa aming paa na parehas namin nilalaro sa tubig.
"Oo naman Ashlem ang lahat nang tao ay pwedeng magbago at kayang baguhin ang kanilang sarili"
Sagot ko naman sa kanya. Nakita ko pa ang pagtango niya na hinde ako tinignan
"Natututwa ako kasi sayo kayo narinig iyan, Pero maniniwala kaba kung sasabihin ko rin sayo na hinde ako naniniwala sa Kasal?"
Napakunot noo ako sa muli niyang sinabe, Pero nanatili ang kanyang atensyon sa mga paa namin na nasa tubig.
"Para sa akin ang kasal ay isa lamang kapirasong papel na pwedeng punitin o sunugin! Dahi sa Maynila ako lumaki namulat ako sa mga taong nasa paligid ko na mag-asawa, live-in partner, magkasintahan na halos lahat ay nauuwe lang sa hiwalayan. Minsan pa nga hinde pa maiiwasan ang magkasakitan sa pisikal na paraan, Kaya napaisip ako bakit kailangan pa nila magsumpaan sa harapan ng Pari at Judge lalo na sa loob ng Simbahan kung hinde naman nila kayang panindigan ang kanilang Sinumpaan?"
Nagugulat talaga ako sa mga naririnig ko ngayon kay Ashlem, Bakit sinasabe niya ang mga ito sa akin. At bakit parang ibang Ashlem ang kasama ko ngayon? O Ito tlaga ang Totoong Ashlem?
"Ayoko kitang lokohin! O lokohin ang sarile ko Sophia, Kaya sinasabe ko ang lahat ng ito para maging babala na din sayo kung ano ako! O Sino si Ashlem Casimiro!"
"Ashlem kaya nga diba kasama sa sumpaan ng Mag-asawa sa Simbahan ang "FOR BETTER OR WORSE. FOR RICHER FOR POORER?" Dahil ibig sabihin kailangan nilang malagpasan iyon ng magkasama para sa sinumpaan nila, At hinde pa ba sapat sa'yo na isa sa patunay ang mga Magulang mo na ang kasal ay isa sa nagpapatibay nang pagsasama at pagmamahalan ng dalawang tao na sadyang itinadhana ng diyos para magsama habang sila ay nabubuhay?"
Sagot ko naman sa kanya, Dahil hinde talaga ako makapaniwala sa pananaw niya sa Salitang Kasal! Tumingin na siya sa akin pero napakaseryoso nang kanyang mukha. At muli din naman niya iniiwas sa akin ang kanyang mata para naman mapatingin sa harapan namin sa mga naglalakihan na mga Puno.
"Tama ka Sophia pero iilan lang ang Magulang ko sa Magpapatunay niyan, Dahil sadyang Minahal talaga ni Daddy ang Mommy ko. Ganoon din naman si Mommy kay Daddy. Pero hinde parin sila sapat para Paniwalaan ko ang Kasal
Hinde ko na alam kung ano ang isasagot ko sa kanya, Hinde ko rin alam kung ano ang iisipin ko dahil tinatanong rin nang isip ko kung karapat-dapat pa rin ba na siya ang mahalin ko? Pero pinipilit naman nang puso ko na mas kilalanin ko pa ang isang Ashlem Casimiro.
"Pero gusto ko na talaga maniwala sa sinasabe ni Kuya Lambert na Sadyang Mahiwaga ang batis na ito, Na lahat nang agam-agam sa puso mo ay aalisin daw nito. At Lilinisin din daw nito ang lahat ng maduming pilit na pumapasok sa isip mo, Pero mangyayari lamang daw iyon kung ang taong isasama mo dito ay ang taong gusto ng puso mo"
Dahil hinde ko parin inaalis ang pagkatitig ko sa kanya mula kanina pa, Muli na siyang bumaling sa akin nang nakangiti. Umangat ang kanyang kanang kamay at dahan-dahan na humaplos sa pisngi ko.
"Spohia tulad ng sinabe ko sayo magkaiba kami ni kuya Lambert. Kung siya lahat kaya niyang gawin para sa Babaeng Mahal niya, Kahit pa ang ibuwis ang buhay niya ay gagawin niya. Hinde ko alam kung kaya ko din iyon. Pero gusto ko sana pagkatiwalaan mo ako! At gusto ko rin sana tanggapin mo kung ano ang kaya ko munang ibigay at patunayan sayo ngayon. Pero pinapangako ko naman na susundin ko kung ano ang sinasabe ng puso ko"
Natutulala naman ako ngayon sa mga sinasabe niya, Hinde ko rin alam kung napanganga ba ako dahil hinde ko alam kung paano ilabas ang reaksyon ko sa sobrang tuwa dahil tila nagtatapat na siya ng kanyang nararamdaman sa akin. Narinig ko rin ang pagtawa niya.
"Ang cute mo talaga sa ganyang reaksyon ng iyong mukha"
Kasabay ng kanyang sinabe ay ang mabilis na pagdampi ng kanyang labi sa aking labi na nakanganga. Naramdaman ko kaagad ang maalab na halik niya. Nang una ay labis ako nagulat pero dahil kumapit na ang isang kamay niya sa batok ko kaya nagising na ako at tumugon na sa kanyang maalab na halik.
Napakapit na din ako sa batok niya, kaya lumipat naman ang kanyang kamay sa likod ko para hapitin ako palapit sa katawan niya, Pero dahil sa ginawa niya sabay kaming nahulog sa ilog. Pero hinde niya ako binitawan kahit parehas kaming nakalubog sa ilog, Parehas pa kami natawa dahil sa nangyare.
"Paano ba yan parehas pa naman tayo walang dala na pamalit para sa basa natin na suot?"
"Ikaw Kasi eh"
Natatawa kong sagot sa kanya.
"Natutulala kasi ako pag nakaawang iyang labi mo sa harapan ko, Parang sinasabe na dampian daw iyan nang labi ko para muling tumikom"
Natatawa din niyang sagot sa akin. Inaya na niya ako na umahon na kami sa ilog dahil kailangan na namin umuwe dahil wala din naman kami dalang damit. Kaya habang sakay ulit kami nang kabayo na parehas parin basa ang aming katawan. Pero nakasuot naman sa akin ang Leather jacket niya. Habang papalapit ang kabayo na aming sinasakyan sa tapat ng kanilang Bahay halos magsalubong ang kilay ko kasabay ang matinding kaba sa dibdib ko.
Dahil si Aron na tila nanlilisik ang mata sa amin ni ashlem habang nakasandal siya sa Kotse nakita ko din si Cardo at Maria na tila Parehas takot ang mababakas sa kanilang mukha. Pagtapat namin sa kanila kaagad Tumalon pababa si Ashlem at binuhat ako pababa sa kabayo. Pero Kasabay din nun ang Mabilis na pagsugod ni Aron sa amin para suntukin ng ubod na lakas sa mukha si Ashlem na hinde niya napaghandaan.
"ASHLEM!!!!!"