Feelings

1026 Words
Habang nasa loob kami ng sasakyan dahil pabalik na kami sa hacienda mondragon, Napapahawak ako sa labi ko na kanina lang ay nadampian ng mainit na labi ni Ashlem. Hindi lang pala basta dampi kundi isang maalab na halik. "Bakit Sophia may masakit ba sa labi mo?" Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Aron na nasa tabi ko nga lang pala. Kaya kaagad ko naibaba ang palad ko na nakahawak sa labi ko. "Ahhhhmm wala." Sagot ko lang sa kanya. Naramdaman ko naman na nag vibrate ang aking selpon na nasa bulsa nang pantalon ko, Hindi ko ito pinansin mamaya ko na lang titignan pag wala si Aron sa tabi ko. Pagdating sa hacienda nagmadali ako umakyat sa hagdanan namin. Narinig ko pa na tinawag ni Aron ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. 'Sophia...' Pagpasok ko naman sa kwarto kaagad ako dumapa sa kama ko at nagmadali na tignan ang message sa selpon ko. "Ashlem: Ngayon pa lang hinahanap-hanap ko na ang matamis na labi mo" Dahil sa nabasa ko nailagay ko ang selpon ko sa aking dibdib habang hawak ko ito na nagpagulong-gulong pa ako sa kama sobrang kilig na nadarama ko. Bigla ulit nag vibrate ang selpon ko, kaya muli ko ito tinignan. Aron Cuevas: Ganyan ka naba talaga?" Nagsalubong ang kilay ko sa aking nabasa. Ako: Bakit aron anong ibig mong sabihin?" Reply ko sa message ni aron, Dahil nagtataka ako sa message niya na tila parang may ibig sabihin. Pero walang sagot ako na natanggap mula sa kanya. Kinabukasan maaga ulit ako gumising dahil iniisip ko kung paano makakapunta sa hacienda Casivue na hinde nalalaman ni Aron. "Good morning Maria" Bati ko sa kanya pagpasok ko sa kusina, Naupo ako sa upuan at tinulungan ko siya sa kanyang ginagawa. "Good morning din Señorita Sophia, kakain ka na po ba?" "Ahhmm mamaya na lang' Maria nasaan pala si Aron?" "Maaga po sila lumuwas ni Cardo sa Maynila dahil may importanteng tao po na kakausapin si Boss Aron" Bigla ako nakaramdam nang kasiyahan sa aking narinig. "Maria mamaya muna tapusin iyan aalis tayo" "P-pero Señorita ang b-bilin po kasi ni Boss Aron...' Hinde ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin dahi kaagad na ako tumalikod sa kanya. "Basta aalis tayo Maria" Nagmadali ako bumalik sa aking kwarto para kumuha nang aking susuotin pamalit dahil sa batis daw ang punta namin ni Ashlem. Nagpahatid kami sa isang tauhan ni daddy papunta sa Hacienda Casivue. Kaagad ko din siya na pinauwe at sinabihan na balikan niya kami dito ni maria bago magdilim. Kaagad ko din naman nakita si Stella na pababa sa hagdanan. "Hi Sophia lalo ka yata gumaganda ngayon a' "Hi kamusta ka galing kami kahapon dito nasa kabilang bahay ka daw" Lumapit ako kay Stella at hinila siya paupo sa sofa sa may sala para lumayo kami kay maria na nagpunta nang kusina dahil narinig niya ang boses ni lorena duon. "hhhmm.. hinde naman ako ang dinadalaw mo dito eh" May himig nang panunukso ang kanyang boses. 'Nasaan si Ashlem?' Tanong ko na sa kanya, Dahil alam ko naman na nahahalata na niya na may pagtingin ako sa kapatid ni lambert. "Ang alam ko sabay sila umalis dito ni Lambert para magpunta sa Manggahan, Ano iyang dala mo?" Napatingin siya sa hawak ko na maliit na paper bag na may laman na damit ko. Hinde ko alam kung dapat ko ba na sabihin sa kanya ang pag-anyaya sa akin ni Ashlem na maligo sa batis na hinde ko din naman alam kung saan. "ahhmm.. Stella inaya kasi ako ni Ashlem na maligo sa batis eh" Nahihiya ko na sagot ko sa kanya. Habang sinasabi ko iyon sa kanya nanlalaki ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. "ANOOO?? Pumayag ka naman Sophia?" Nagtaka ako sa reaksyon ni Stella, Ano naman masama batis naman iyon kaya alam ko na maliligo lang kami. "Bakit naman hinde Stella? Batis naman iyon diba? ibig sabihin maliligo lang kami" Sagot ko naman sa kanya. Pero hinde pa din maalis sa mukha niya ang labis na pagkagulat dahil parang may gusto siyang sabihin sa akin. "Oo nga Sophia batis lang iyon na maliligo kayo, Pero..." Hinde niya maituloy-tuloy ang kanyang sasabihin, tila nagtatalo ang kanyang isip kung dapat ba niyang sabihin sa akin ang dapat kong malaman. "Siraulo talaga na Ashlem yan!!' Narinig ko na bulong ni Stella. Narinig ko rin ang malalim na pagbuntong hininga niya. "Sophia Mahal mo ba si Ashlem?" "Bakit mo naitanong Stella?" "Kasi halata naman sa mga kinikilos mo na may pagtingin ka sa kanya. Pero sana naman Sophia huwag mo hayaan na bulagin ka nang nararamdaman mo na iyan. hinde sa sinisiraan ko siya sayo pero hinde siya nababagay sa isang tulad mo na masyadong inosente" Hinde ko alam kung ano ang iisipin ko sa mga sinabe ni Stella, Bakit niya nasasabe ang mga iyon sa akin lalo nat kapatid si Ashlem ni Lambert na asawa niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko dahil nakita niya siguro na tila pagkadismaya ko sa mga sinabe niya sa akin. "Sophia alam ko matalino ka, lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa mga nararamdaman ng mga tao sa paligid mo, Dahil isa na ako sa pinagaang ng mga salita mo nang mga panahon na may pag alinlangan sa aking sarili. Kaya ayoko sana na makaranas ka nang pagkabigo" "Hinde ko alam ang isasagot sayo stella, Dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganito ang humanga sa isang lalake bukod kay daddy at ngayon kay Ashlem" Sagot ko naman sa kanya, Labis ko na minahal at hinangaan si daddy dahil nakita ko kung paano niya ako pinoprotektahan mula pagkabata ko hanngang ngayon. At nakita ko naman iyon kay Ashlem mula ng iligtas niya ako sa dalawang lalake na muntik na ako gahasain. "Napaka swerte naman ni Ashlem siya pa ang minahal mo, Sana lang magawa niyang pantayan o higitan pa ang nararamdaman mo sa kanya. Dahil deserve mo ang isang tapat na pag-ibig Sophia" Hinde ko maintindihan ang mga sinabe sa akin ni Stella, Pero tama naman siya dahil hinde ko pa alam kung ano ang tunay na nararamdaman sa akin ng isang Ashlem Casimiro..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD