Hindi ko na sinagot ang huling message ni Ashlem dahil napapansin ko ang madalas na para ba kakaiba na sulyap sa akin ni Maria. Pagdating sa bahay agad ako nahiga sa aking kama at agad ko kinuha ang aking phone para sagutin ang message niya. Napatayo ako sa kinahihigaan ko dahil meron ulit na message si Ashlem.
'"Sleep na ako. ikaw din magpahinga kana. Magkita sana tayo panaginip. Hintayin kita bukas"
"Eeeeeeeeeee!!!!!!!!!!"
Bigla ako napasigaw sa nabasa ko habang tumatalon pa ako sa ibabaw ng aking kama. Habang hawak ko sa aking dibdib ang phone ko na tila magiging daan sa pagiging malapit namin ni Ashlem.
Kinabukasan maaga ulit ako gumising tila ba parang mas maganda at magaang ang gumising para sa akin ngayon. Nasanay na ako sa buhay ko na gigising na alam ko na ang magiging takbo at paano matatapos ang isang buong maghapon ko. Pero ngayon tila isang puzzle para sa akin kung ano ang mangyayari habang nandito sa aming lugar ang lalaki na unang hinangaan ng puso ko.
Pagkatapos maligo nagmadali na ako lumabas ng kuwarto ko para lumabas at sabihin kila maria na pupunta kami ng Hacienda. Pero sa sala pa lang nakita ko si Maria at Cardo na meron kausap na tila isang lalaki hindi siya pamilyar sa akin dahi likod pa lang niya alam ko na may kakaiba sa kanya at tila hindi siya isa sa tauhan ni daady at lalong hindi siya trabahador sa hacienda Casivue.
Napatingin na sa akin si Maria at Cardo kaya napalingon na din sa akin ang lalaki na kausap nila. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa dahil sa magandang itsura niya. Mataas, maputi, Malaki ang pangangatawan, makapal ang kilay na nakasalubong pa dahil sa pagkatitig sa akin.
"Sino siya Maria?"
Pagtatanong ko paglapit ko sa kanila. Pero hindi si Maria ang sumagot sa tanong ko.
"Aron Cuevas Binibini"
Sabi niya sa akin sabay paglahad ng kanyang kaliwang palad sa akin. Napatingin ako sa palad niya na nasa aking harapan hindi ko alam kung bakit tila nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam dahil sa kakaiba na pagtitig niya sa akin. tinanggap ko naman ang palad niya pero bago ko iyon bawiin sa palad niya ay bahagya niya pa napisil ang palad ko. Kaya napatingin ako sa kanya. Pero seryoso lang ang kanyang guwapo na mukha na hindi man lang ako nginitian.
"Bininbi siya po ang pinadala ni tito Felife dito para pansamantala na pamahalaan ang pamamalakad dito sa hacienda"
Narinig ko na sinabi ni Cardo. Hindi pa kasi makakauwi si daddy dahil sa kalagayan ni mommy. Hindi pa daw puwede na bumiyahe si mommy ng matagal para bumalik dito sa Hacienda.
"Ganoon ba ok sige. Maria tara na aalis na tayo"
Sagot ko lang sa kanila. pero nakita ko sa mukha ni maria ang tila ang pag alinlangan.
"Pero Señorita ibinilin po ni don Felife sa kanya na tutulungan po ninyo siya dito at ililibot po ninyo siya dito sa Hacienda"
Biglang sagot sa akin ni Maria. Napatingin naman ako kay Cardo na tumango lang sa akin. Bilang pagsang-ayon na totoo ang sinasabi ni Maria.
Napatingin din ako kay Aron na seryoso pa din ang pagkakatingin sa akin. Hindi ba siya marunong ngumiti?? bigla ko kausap sa sarili ko.
"Ganoon ba ok Sige! sa ibang araw na lang tayo pumunta sa Hacienda Casivue!"
Pang hihinanyang na sagot ko sa kanila. Sumama ako kila Cardo At Aron sa paglilibot sa buong Hacienda namin. Paminsan minsan nahuhuli ko si Aron na napapa-tingin sa akin kahit si Cardo naman ang madalas niya na kausap. Dahil mas maraming alam si Cardo sa tauhan at kung paano ang pamamalakad sa Hacienda kesa sa akin.
Paminsan minsan napapatingin din ako sa kanya dahil masyado siyang seryoso kung makipag-usap. Saan ba ito nakilala ni daddy? at bakit nag-tiwala si daddy dito sa tao na ito? Bigla ko din naiisip na hindi ko dapat ipag-alala ang pagtitiwala ni daddy sa ibang tao. Dahil si daddy ang tao na magaling kumilatis ng tao lalo na pagdating sa sekyuridad ko.
"Dimple.."
Nagulat ako sa bigla niyang pagsambit ng salita na iyon. Isang tao lang ang lagi ko naririnig na tumatawag sa akin ng salita na iyon!
"Anong sabi mo??"
Pagtataka na tanong ko sa kanya.
Bigla niya iniwas ang kanyang mata sa akin. Bakit parang kilala niya ako kung makatingin siya? at sa klase ng tingin niya ay para ba na may pag-tatampo dito?
"Wala! bigla ko lang naalala ang kababata ko na minsan ay nangako sa akin na hindi ako kakalimutan"
Narinig ko na mahina niyang sambit. Ang seryoso niya na mukha ay tila biglang napalitan ng kalungkutan. Nawala lang ang atensyon ko sa kanya ng bigla mag vibrate ang phone ko.
Ashlem; Nasaan kana? Hindi kaba pupunta dito?"
Bigla ako nakaramdam ng kalungkutan dahil mukhang hindi ako maka-kapunta ng Hacienda Casivue.
Hindi ko sinagot ang message sa akin ni Ashlem. Dahil bigla napatingin sa Phone ko si Aron.
"Sino si Ashlem?"
Bigla niya tanong sa akin. Pero hindi ako sumagot sa kanya dahil si Cardo ang sumagot sa tanong niya.
"Boss si Señorito Ashlem ang pangalawang anak ng mag asawa na Casimiro sa Hacienda Casivue"
Nakita ko na para ba na nasa malalim na pag-iisip si Aron. Bigla ulit siya napatingin sa akin. Bakit ba ganito siya makatingin? para bang kilala niya ako? pero ngayon ko lang talaga siya nakita. kausap ko sa sarili ko.
"Cardo nasabi mo naba sa ating binibini kung ano ang ipinagbilin ni Don Felife?"
Bigla ako napatingin kay Cardo na napatingin sa akin habng napakamot pa sa kanyang ulo.
"Ahmm.. binibini ipinagbilin po kasi ni Don Felife na lahat po ng lakad ninyo ay dapat po alam ni boss Aron"
Nagulat ako sa sinabi ni Cardo. bakit kailangan alam ng Aron na ito ang lahat ng lakad ko? Sino ba kasi siya?
Kausap ko na naman sa sarili ko. Napatingin ako kay Aron pero hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa niya. Kinuha niya ang phone ko saglit lang at ibinalik sa akin. Nakita ko din na kinuha niya ang phone niya na tila may tinatawagan. Pero bigla din naman nag vibrate ang phone ko. Dahil may tumatawag. Nagulat ako sa pangalan na nasa screen ng phone ko.
Calling: Aron Cuevas"
Hindi ko sinagot ang tawag niya dahil bigla din niya ito na cancel at muling binalik ang phone niya sa kanyang bulsa..