Maddie's Pov: Pabalik na sana ako sa kwarto ko para magpahinga. Bukas na ang event at kailangan naming maghanda ngunit... lumilipad ang isip ko. Hindi ako mapalagay. Nang ayusin ko ang buhok ng batang iyon kanina at gayahin ang madalas na ayos ng buhok ni Margaret, tila nakita ko ang kapatid ko dalawampung taon mula ngayon ang nakakalipas. Tiyak ko iyon na kahawig niya talaga ang kapatid ko dahil pati si lolo ay napansin iyon! Dalawampung taon. Oo, 20 years na din ang nakalipas matapos ng insidenteng 'yon. Hindi ko iyon makakalimutan dahil ang pangyayaring 'yon... ang nagpabago sa kapatid ko. Hindi ko maalis sa isip ko ang batang si Mikaela dahil nga alam kong... nabuntis si Margaret at eksakto pa ang edad ng bata. K-Kinukutuban ako at kinakabahan. Sa pagkakaalam ko ay ipinaglaglag na