Chapter 63: Dinner

1847 Words

Eurie's Pov: "Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Ivy sa akin dahil kami na lamang ang natitira doon sa office. Umiling ako sa kaniya at nagtipa na ulit sa aking computer, "M-May tinatapos lang ako. Pauwi na din ako, kaunti na lang." "Okay, sige, mauna na ako ha!?" sabi ni Ivy at kumaway na ito ng paalam sa akin. "Bye." Umalis na si Ivy at ako na lamang ang naroroon. Medyo natambakan ako ng trabaho pero patapos na rin naman. Si Nigel naman ay hindi pa bumabalik ng opisina niya simula kanina nung pumunta siya sa kaniyang meeting. Anong oras kaya siya makakauwi mamaya? Matapos ang isang oras ay natapos na din ako sa aking trabaho. Minadali ko na talaga iyon kasi nga baka hindi ko na naman maabutan na gising si Kyrie. Hindi na kami nakakapagkwentuhan ng matagal, nami-miss ko na ang kakulitan ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD