Eurie's Pov: Nang makita kong biglang tumayo si Nigel, n-naisip kong... baka nagalit siya. Naisip ko kasi 'yong mga sinabi niya sa akin bago magsimula ang photo shoot. E-Ewan ko ba kung bakit bigla akong natakot na baka... b-baka bigla na lang din siyang mawala kaya naman... sinabi ko sa photographer na magpahinga muna kami at hinabol ko na siya kaagad. H-Hindi ko na alam, p-pero salamat na lang din at pinatigil na niya ang photo shoot. Napabuntong-hininga na lamang ako. Matapos kong magpalit ng damit ay isinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat at lumabas na ng dressing room. Pagkasara ko ng pinto... nagulat na lamang ako nang makita ko doon sa labas... s-si Franz. Namilog pa ang mga mata ko sa gulat samantalang siya ay seryoso lamang na nakatingin sa akin. B-Bakit!? A-Ano bang kail