Eurie's Pov: Nagmamadali akong pumasok sa opisina. Ewan ko ba kung bakit nahuli ako ng gising! Tsk! Hindi na ako nag-aalarm kasi sanay na ang katawan ko. 'Yong tipong pagpatak ng alas quatro ay babangon na ako pero kanina ay hindi. Napabalikwas pa ako nang magising ako. Tsk. A-Ang panaginip ko. A-Anong ibig sabihin no'n? B-Bakit napanaginipan ko ang unang pagkikita namin ni Franz? A-Actually, h-hindi nga pala iyon una naming pagkikita. P-Parang mas akma ang... unang pag-uusap. Hmn. Si Franz. Napapakunot na lang ang noo ko habang paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang pangalan niya at ang mga pangyayari noong nakaraan ay tila ba pilit na inuungkat ang ala-ala ko. Tsk! Ang lalaking 'yon... ang bumuo... at siya ring sumira ng mundo ko noon. Haist! Ano ba itong iniisip ko, mahuhuli