Chapter 13: Tiredness

1326 Words

Eurie's Pov: Araw ng Miyerkules, hindi ko kailangang pumasok ng trabaho mamaya. Pahinga sa trabaho ngunit hindi sa gawaing bahay. Habang naglalaro si Kyrie, ako naman ay ipinagsasabay ang paglalaba ng mga labahan at pagluluto ng aming tanghalian. hindi pa nga ako nakapagsuklay ay basta ko na lamang itinali ang aking buhok dahil naiinitan ako. Hindi ako bumili ng washing machine dahil dalawa lang naman kami ni Kyrie at nag-aalala akong baka lumaki ang bill namin sa kuryente kaya naman todo kuskos ako ng mga damit gamit ang aking mga kamay. Iisa lang din ang electric fan namin, nandoon kay Kyrie kasi baka pagpawisan siya. Lapitin pa naman siya ng sakit kahit na kumpleto naman siya sa vitamins. Napabuntong-hininga na lamang ako sa pagod. Simula pag-uwi ko kanina ay hindi pa ako natutulog,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD