Eurie's Pov: Sinundo kami ni Nigel nang gabing iyon para lumipat na doon sa kanilang mansyon. Kaunting gamit lamang ang dinala namin dahil sabi niya ay hindi namin kakailanganin dalhin ang lahat. Hindi ko rin naman talaga madadala ang mga iyon dahil bulok-bulok na ang karamihan sa gamit namin kaya mga damit lang talaga ang aming binitbit. Nang marating namin ang mansyon ay nagliliwanag ito nang gabing iyon. Napakaganda talaga at totoong pinaghandaan nila ang pagdating ni Kyrie. Heto na naman ang konsensya ko at kinukurot ako. Haayyy! Manghang-mangha ang bata. Dalawa sa mga tauhang lalaki ng kanilang pamilya ang lumapit sa amin at kinuha nila ang aming mga gamit. Hinatid nila kami sa aming magiging kwarto at nang makita namin ang aming mga magiging silid ay talaga namang halos lumuwa ang