Eurie's Pov: Narating namin ang Grand Claudette Hotel kung saan namin imi-meet ang production team ng CC Project Event at pati na rin panuorin ang photoshoot ng mga modelo para sa ilalabas na magazines at brochures. K-Kinakabahan talaga ako. H-Hindi ko mawari kung anong gagawin ko o kung anong sasabihin ko para makaalis sa lugar na ito. "What's wrong?" tanong ni Nigel na huminto pa sa paglalakad at nilingon ako sa kaniyang likuran. "H-Ha?" "It seems like you're in the depth of your thoughts." Hindi ko alam ang isasagot ko. Alam kong mahalaga ang ipinunta dito ni Nigel, hindi ko pwedeng sirain ang schedule niya dahil lang sa problema ko. "M-Medyo masakit lang ang ulo ko," tugon ko sa kaniya. "Then let's go to the infirmar—" "Hindi! A-Ayos lang ako! Mahalaga ang ipinunta natin dito,