Maddie's Pov: Nagtungo kami ng simbahan. Sumama ako pati ang therapist ni Kyrie na si Jenna upang kahit paano ay mapanatag si Eurie; gusto ko lang din kasing mapagbigyan ang bata dahil matagal na pala itong nagyayaya na puntahan ang kaniyang kaibigan. Umalis kami na kasama si lolo at ilan pa nitong tauhan. Nanatili muna kami sa simbahan upang manalangin. Doon kami sa unahang helera pumwesto at dahil walang misa nang mga oras na iyon ay nagdasal na lang kami. Lumuhod si Kyrie at ipinikit nito ang kaniyang mga mata, at hindi ko na naman maiwasang mapangiti habang naririnig ang mga kahilingan niya. "Our dearest Almighty, Thank you for healing my mama! I was worried about her for how many days, thank You and she is okay now! I hope no one in my family gets sick again because I love them so