Eurie's Pov: Inaantok pa ako pero narinig ko na na may kumakatok sa labas ng pinto. Kunot-noo pa ako habang bumabangon at nakapikit pa ang aking mga mata. Ang aga naman nang tagakuha ng mga basura ngayon. Anong oras na ba? Alas syete y media pa lang ah? Hindi ba't alas otso sila dumadating? Tinapik-tapik ko pa ang aking mukha saka ako humikab at nag-unat. Haayyy... mamaya ay may pasok na naman ako. Kulang na kulang talaga ang isang araw na pahinga. Muli ko na namang narinig ang pagkatok. Hindi na ako nag-abala pang itali ang aking buhok at magsipilyo dahil baka umalis na ang tagakuha ng basura. Hindi na rin ako nagpalit ng damit pantulog at tanging ang maluwang na malaking T-shirt lamang at maiksi kong short ang aking suot. Oo, wala akong panloob kapag natutulog. Ilalabas ko lang naman