bc

BILLIONAIRE Series #1: ONE NIGHT STAND

book_age18+
14.8K
FOLLOW
99.2K
READ
billionaire
spy/agent
murder
revenge
one-night stand
friends to lovers
tragedy
bxg
brilliant
affair
like
intro-logo
Blurb

DALAWANG babae na handang magsakripisyo alang-alang sa sinumpaang trabaho. Parehong nakapagtapos ng kursong CRIMINOLOGY, at napasok sa NBI. Hinangaan ang dalawang babae sa larangan ng paghawak ng baril at martial arts. 

Wala silang kinakatakutan kaya marami sa kanilang departamento ang nagkagusto sa kanila. Pero ni isa ay walang naglakas loob na lumapit, dahil takot ang mga ito sa katapangan ni Inspector Jester Navarro at Detective Divlen Jacutin.

Isang gabi na parehong hindi makalimutan ni Inspector Navarro at Tom Robinson. Isang gabi na habang buhay na mag-uugnay sa kanilang dalawa. 

chap-preview
Free preview
Episode 1- Life Of Jester
"Huwag po, Tiyo Felix! Maawa po kayo sa akin… Mamaaa... tulungan mo ako!" sigaw ng isang batang babae. Nagmamakaawa ito sa kaniyang ama-amahan na sobrang bangag sa alak, habang pilit hinuhubad ang suot nitong pang-ibaba. "Ssshhh... 'wag kang maingay hindi naman kita sasaktan at wala dito ang Mama para tulungan ka. Sandali lang ito, baby..." maladimonyong sabi ng lasing "Huwag po, Tiyo! Ayaw ko! Tulong! Tulong!" Nanlaban ang sampung-taong gulang na batang babae upang protektahan ang sarili, at sobra na itong nanginginig sa takot. Nang makalapit si Aling Carmen, sa pintuan ng kanilang bahay ay narinig niya ang sigaw ng nag-iisang anak niya. Napatakbo siya sa kuwarto nito at nakita niya na pilit hinahalikan ng kinakasama niya ang kaniyang anak, at walang suot sa ibaba. "Hayop ka, Felix! Ano ang ginagawa mo sa anak ko?!" Sabay dampot ni Aling Carmen, sa isang kahoy at pinaghahampas niya ang kinakasama. Ngunit inagaw ito ng lalaki at siya naman ang hinampas at na tamaan ang ulo nito. Dahilan ng pagkatumba nito at nabagok ang ulo sa sahig. "Mamaaa..." At sabay lapit ni Jester sa kaniyang duguang ina. "A-anak... tumakbo ka na!" Kahit putol-putol na ang pagbigkas ni Aling Carmen ay pilit pa rin niyang magsalita. "Hindi kita iiwan, Mama!" Iyak nang iyak si Jester, at niyakap ang naghihingalo niyang ina. Papalapit na sana si Felix sa kinaroroonan ng mag-ina subalit mabilis tumayo ang bata at tumakbo patungong kusina. Sinundan naman ito ni Felix, upang hampasin, at laking gulat ng ama-amahan nang salubungin siya ng bata at bigla itong sinaksak ng kutsilyo. "Hayop ka! Sinaktan mo ang Mama ko, papatayin kita!" Natamaan sa tagiliran ang ama-amahan at napayuko ito at inulit nito ang pagsaksak. Kaya natamaan ang puso ni Felix, at dahilan sa agarang pagkamatay nito. Agad namang bumalik si Jester, sa kinaroroonan ng kaniyang ina upang saklolohan ito, ngunit pahina nang pahina na ang ina niya. "Mama, sandali lang po hihingi ako ng tulong." Akmang tatayo na sana ang bata pero hinawakan ng ina ang kamay niya. "H-huwag na anak, h-hindi na ako magtatagal," mahinang sabi ni Aling Carmen. "Huwag kang magsalita nang ganyan, Mama..." tugon nito sabay punas sa mga luha niya. "M-makinig kang mabuti anak, m-mahal na m-mahal kita. Patawarin mo si Mama, dahil muntik na kitang maipahamak. A-anak magpakabait ka at ipagpatuloy mo ang buhay. A-alagaan mo ang sarili mo at ang Lola mo. Pangako, mo sa akin anak, na magpakabait ka." Sabay haplos ni Carmen sa mukha niya. "Mama… please... Mama. Huwag mo akong iwan mabubuhay ka Mama. Paano na ako kung wala ka na?" Patuloy ang pag-agos ng mga luha ni Jester. "P-patawarin mo ako a-----nak." Sabay bagsak ng kamay ni Aling Carmen, at dahan-dahang pumikit ang mga mata nito na hilam sa luha. "Mamaaaa... gumising kaaaa! Paano na ako?! Mama, gumising ka... Mamaaaa!" Sabay tayo ni Jester at tumakbo sa labas para humingi ng tulong sa mga kapitbahay. "Tulong... tulungan ninyo ang Mama kooo..." nagsisigaw siya. Agad naman lumapit ang mga kapitbahay at nagtatanong ang mga mata kung bakit duguan ang mga kamay at ang damit nito. Pumasok sa loob ang tatlong lalaki at dalawang bangkay ang kanilang nabungaran. Sinusuri nila ang mga pulso ngunit pareho itong wala ng mga buhay. Kaya hindi na nila pinakialaman ang mga bangkay dahil baka sila pa ang mapagbintangan, at agad silang tumawag ng pulis. Agarang dumating ang mga awtoridad at nag-iimbestiga kung may nakakita ba sa pangyayari. Ngunit lahat ay tumanggi na wala silang nalalaman sa mga nangyari. Dahil walang ibang kamag-anak si Jester sa naturang baryo, ay pansamantala muna siyang dinala sa (DSWD). Doon siya tinanong ng pulis na babae at isinalaysay niya ang buong pangyayari. Dahil minor pa si Jester, ay hindi siya puwedeng ikulong at self-defence rin ang kaniyang ginawa. Habang inaasikaso ang mga bangkay ay nanatili muna si Jester sa pangangalaga ng mga (DSWD). At tinawagan na rin ang Lola na nasa Cebu. MULA noon ay doon na siya lumaki sa kaniyang Lola, nagpakabait si Jester, at nag-aral nang mabuti. Nagtiis sa kahirapan at nagsikap para matupad niya ang gusto ng kaniyang ina. Kahit hindi man siya nangako sa ina niya noon, bagkus nagsusumikap siya upang marating ang ninanais ng ina niya. Sabay niyang lumaki ang kaniyang pinakamalapit na pinsang babae, si Divlen Jacutin. Subalit magkaiba ang katayuan nilang dalawa, sapagkat may kaya ang mga magulang nito. Dahil matalino si Jester ay nakakuha siya ng scholarship sa high school. Naging working student rin siya sa paaralan na pinasukan nila. Kahit sa kaniyang pagkolehiyo ay nanatili pa rin siyang scholar. Hanggang sa nakapagtapos sila ng kursong CRIMINOLOGY at napasok sa pagiging NBI. Hinangaan sina Jester at Divlen sa larangan ng paghawak ng baril at martial arts. Wala silang kinakatakutan kaya marami sa kanilang departamento ang nagkagusto sa kanila. Pero ni isa ay walang naglakas loob na lumapit, dahil takot ang mga ito sa katapangan Inspector Jesrter Navarro at Detective Divlen Jacutin. "Partner, hindi pa ba tayo uuwi?" Pukaw ni Divlen, sa pinsan niya kanina pa nakatingin sa kawalan. "Anong oras na ba, partner?" balik tanong niya rito. "Mag-alas-tres na," tugon naman nito. "Sige, mauna ka na sa sasakyan at susunod na ako," utos ni Jester. "Sige." Mag-iisa na lang siya sa puntod ng kaniyang ina nang magsalita siya, "Mama, ito na ako ngayon, natupad ko na ang pinangarap mo para sa akin. Patawad kung hindi ako nagbitaw ng pangako sa iyo noon. Dahil gusto kong gawin sa gawa at hindi lang sa isang salita. Mama, nawala ka nang dahil sa akin, dahil sa pagprotekta mo sa akin. Saludo ako sa 'yo, ikaw ang superhero nang buhay ko. Mahal na mahal kita, Maa. Pangako, walang sino man ang makapang-api sa akin." Sabay patak ng mga luha niya. Nilisan ni Jester, ang puntod ng ina niya na puno sa luha ang mga mata. Dahil hanggang ngayon ay nananatiling buhay pa sa alaala niya ang sinapit nila noon ng kaniyang Mama. "Partner, saan ang balak mong pumunta ngayon?" tanong ni Divlen. "Balik muna tayo sa hotel, partner. Para makapagpahinga muna tayo. Tutal mamayang hapon pa naman ang meeting natin," tugon nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband Is A CEO Boss

read
469.5K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
45.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.6K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

YOU'RE MINE

read
892.8K
bc

SILENCE

read
380.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook