LORABEL “Uncle, bangon na.” Ilang ulit ko na siyang ginising, pero mahimbing pa rin ang tulog ni Uncle Zarex. Umungol lang siya nang tapikin ko siya sa braso at balikat habang nakadapa sa kama. Tanghali na ngayon at ilang ulit ko nang narinig na nag-ring ang kaniyang cellphone, pero hindi ko ito sinagot nang makita ko na ang asawa ni Faye ang tumatawag sa kaniya. May ilang numero pa akong nakitang tumatawag. Ang ilan ay nakaregister sa phone book niya, pero may ilan na numero lang ang nag-flash sa screen. Linggo ngayon, kaya wala akong pasok. Ilang ulit na rin akong lumabas dito sa silid namin para magpahangin sa veranda, pero naghihilik pa rin si Uncle Zarex kapag bumabalik ako. Mukhang pagod na pagod siya, kaya hinayaan ko na lang siyang matulog. Umaga na siya nakatulog dahil nang