LORABEL Minabuti kong umakyat dito sa second floor at bumalik sa loob ng silid na tinutuluyan ko. Gusto ko sanang tumulong sa gawing bahay para hindi nila isipin na pabigat ako dito, pero nawalan ako ng pagkakataon na sabihin ito kay Uncle Zarex dahil may dumating na mga bisita. Sa tingin ko ay mahalaga ang kanilang pag-uusapan dahil kahit umuulan at mukhang may bagyo, ay pumunta pa rin sila dito sa bahay ni Uncle Zarex. Nagligpit na lang ako dito sa loob ng silid at inayos ko sa loob ng kabinet ang mga damit na dala ko mula sa maleta. Balak ko sanang labhan ang nabasang damit ko kagabi, pero wala naman akong nakita na sabong panlaba, kaya iniwan ko muna ito sa loob ng banyo. Nang matapos akong magligpit ng aking mga gamit, itinabi ko muna ang dala kong maleta sa sulok. Napabuntong-