“I'm sorry, babe,” mahinahon na bulong sa akin ni Uncle Zarex. Humigpit pa ang pagkakayakap niya sa katawan ko, at naramdaman kong hinalikan rin niya ako sa ulo. Kahit naiinis ako, tila bigla itong naglaho. Muli na naman akong napabuntonghininga at napapikit para pigilan ang aking emosyon. “Gusto ko nang umuwi, Uncle,” sabi ko sa kaniya makalipas ang ilang segundong katahimikan. “Umuwi ka na rin sa inyo.” “I'll send you first,” sagot niya. “It's late and I can't let you travel alone.” “Bahala ka,” maikli kong sagot. Mas mabuti kung ihahatid niya ako dahil nakakatakot rin bumiyahe ng mag-isa sa ganitong oras. “May taxi na,” sabi ko. Agad akong kumaway para tawagin ang taxi. Tumigil naman ito sa harap namin, kaya inalis ko ang nakapulupot na braso ni Uncle Zarex sa bewang ko. “Tara

