LORABEL Tahimik akong nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Uncle Zarex habang nagmamaneho siya pauwi sa kaniyang bahay. Hindi na kami nag-usap dahil seryoso ang kaniyang ekspresyon at ako naman ay nakatingin sa labas. Walang nagbukas ng usapan at ang tanging naririnig ko lamang ay ang tunog ng sasakyan, pati na rin ang ingay sa labas ng kalsada. Sa gilid ng aking mga mata, nakikita kong sumusulyap sa akin si Uncle Zarex kapag may pagkakataon. Hindi naman kami nag-away, pero minabuti kong manahimik dahil nakita kong nangunot ang kaniyang noo at nalukot ang mukha niya matapos marinig ang akusasyon ko sa kaniya kanina. Baka nainsulto si Uncle Zarex, kaya tahimik rin siya ngayon. Nag-aalala tuloy ako dahil baka nagalit siya sa akin, kaya paulit-ulit kong pinagalitan ang aking sarili dahi