LORABEL Simula nang marinig ko ang usapan ng mga kasambahay ni Uncle Zarex, pinalitan niya ang lahat ng katulong sa bahay niya. Pati ang security guard niya ay iba na rin, kaya lahat sila ay bago at magalang sa akin. Napansin ko na kapag nakikita nila ako, para bang natatakot silang magkamali, lalo na kapag nasa paligid nila ako. Hinahatid pa rin ako ni Uncle Zarex sa unibersidad tuwing umaga dahil sa bahay niya ako nakatira. Pero sa tanghali, kasabay kong umuuwi si Faye dahil nasa trabaho siya, kaya sa bahay ako nagpapahatid sa kaibigan ko. Hanggang ngayon, walang alam sina Faye at Brando na sa bahay ni Uncle Zarex ako nakatira dahil araw-araw naman nila akong hinahatid sa bahay, kaya hindi sila nagtataka. Mabilis na lumipas ang araw. Ganito ang routine ko araw-araw. Alerto ako sa pa