LORABEL Gaya nga ng napagkasunduan namin ni Brando, magkikita kaming dalawa sa labas ng restaurant dahil doon niya ako hihintayin. Ayaw kong puntahan niya ako dito sa bahay ni Uncle Zarex dahil mas mabuting hindi niya alam kung saan ako nakatira ngayon. Nakakuha siya ng impormasyon na tuwing Martes ay kumakain daw sa restaurant na iyon si Aila, pati na rin ang kaniyang asawa, dahil doon ang paborito nilang kainan. Nakapag-book na ng mesa para sa aming dalawa si Brando. Siya na raw ang bahala, kaya nag-aalala ako dahil alam kong mahal ang pagkain doon at siguradong malaki ang babayaran niya. Hindi ko alam kung magkano pa ang perang hawak ko ngayon, pero lakas-loob akong nagbihis. Dahil nakahihiya naman kung siya pa ang magbabayad, gayong ako ang humingi ng pabor sa kaniya, kaya kinuha