I'm just smiling the wholetime Adam is just holding my hand. Hindi niya ito binibitawan unless na kailangan. Agad akong napatingin sa gwapong gwapong Boyfriend ko na nakangiti habang kausap sila Abuela. Ang gwapo talaga !
"Ehem , baka matunaw ako " Bulong niya kayat napayuko ako. Nakakahiya ! I was drooling for him.
"Hindi lang ako makapaniwala .. " mahina ko ding bulong " Hindi ako makapaniwala na magiging totoo lahat ng pag papanggap natin "
Nagulat nalang ako ng lumapat sa aking noo ang kanyang mainit na labi kayat agad akong nag angat ng tingin sa kanya.
"Maski naman ako ay hindi din makapaniwala My Calla"
Agad akong pinamulahan ng mukha sakanyang sinabi. Madalas niya ng binabanggit saakin ito pero iba pala talaga pag alam mong gusto ka din ng taong gusto mo.
"My Calla is blushing " He said teasing me kayat mahina kong kinurot ang kanyang tagiliran.
"N-nakakahiya ! " I said at siniksik ang mukha ko sa kanyang malapad na dibdib. Ang bango ! The perks of having a musculine Boyfriend .
Matapos ang dinner ay napag pasiyahan na namin ang umuwi. Nang makasakay sa sasakyan ay isang kamay lang ang ginamit ni Adam sa pag mamaneho habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa kamay ko.
"Hindi naman ako mawawala " I said habang nakatingin sa kanya na may ngiti sa labi.
"I know it's just that I'm happy that i finally have you. For real "
Agad akong lumingon sa bintana ypang itago ang kilig na nadarama. Kese nemen napakalandi. Nang maiparada ang sasakyan at mabilis na bumaba si Adam at umikot patungo sa side ko. Binuksan niya ang pinto para saakin at inalalayan ang kamay ko na makababa ng sasakyan.
"Ang gentleman mo naman " natatawa kong wika "Baka mag sawa ka kaagad "
He just chuckled and intertwined our hands bago sabay na nag lakad.
"Hindi mo pa ako kilala My Calla , but will get there soon "
Marahan naman akong tumango tango. Nang nasa tapat na nang aming apartment ay humarap siya saakin at dahan dahan akong hinaltak para sa isang yakap.
"You don't know how much you make me happy " He whispered
"You're my first boyfriend so please , don't break my heart "
Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa aming relasyon dahil bago pa ako sa mga ganitong bagay. Natatakot akong masaktan dahil sigurado akong-ako din ang magiging kawawa sa huli.
"I know " He said " and i intend to be your last "
"Ang cheesy ! " Natatawa kong sabi bago humiwalay ng yakap kay Adam. Ayaw ko pa sana ehh charr.
"Pasok na " He said and kissed my forehead. Tumango lang ako bago buksan ang pinto.
"Ingat ka "
---
"Table 12 Calla ! " Sigaw ni Kim na agad ko namang sinunod " Wag kana lumandi "
Hindi nalang ako nag salita at kinuha ang inaabot niya ng makita ko ang nanlilisik na mata ni Mia. Mia and I became friends siguro dahil na din kay Miggy.
"Napaka inggetera talaga ng pangit na yan ! " Gigil na wika ni Mia " nako Calla pigilan mo ako hahambalusin ko ng bote yan "
Natatawang hinaltak ko nalang siya dahil baka nga saniban ng demonyo si Mia at gawin ang binabalak.
"Hayaan mona . Ako nga diko na pinapansin " I said at inilapag ang tray sa lamesa " Here's your order sir enjoy !"
"Palibhasa kasi ang bait mo ! Nako kung ako ginanyan niyang mga yan hindi lang sampal ang aabutin nila "
Napailing iling nalang ako. Hinding hindi ako papatol sakanila I love my job at isa pa wala namang katotohanan ang lahat ng sinasabi nila.
"Miabella ! " wika ni Miggy na nag lalakad palapit saamin " Hiramin ko muna ang bruhang ito Callalily ! "
Tumango lang ako at pinag masdan nalang ang dalawang mag lakad palayo na tila nag aaway pa. Lover's quarrel ? Ang baklang maharot mukhang nakahanap na ng kanyang katapat.
"Anong problema nila ? " Pakikipag usap ko sa sarili ko. Ilang oras nalang ang hihintayin ko at off duty ko na. Muli akong nag lakad pabalik sa counter upang kumuha ng mga order when I saw Cloud.
I sighed. Hindi ko pa pala nasasabi sakanya , ang relasyon namin ni Adam ay pinanatili naming lihim dahil ayaw ko ng tsismis. Baka pag nalaman ng mga bruhang sila Kim ay mag wala ito at bigla akong sabunutan. Teka nga ! Paano pala ang Yvonne na iyon ? Ang tanga ko bakit hindi ko naalala ang babaeng iyon.
"Bakit nakasimangot ka ? ", Tanong ni Cloud " Is something bothering you ? "
Agad naman akong umiling at ngumiti.
"Pwede ba tayong mag usap mamaya Cloud ? " I said.
Siguro oras na din para malaman ni Cloud ang sagot ko.
" I'm sorry Calla , hindi ako pwede may emergency sa bahay" He said in a very apologetic tone " Hindi na din kita maihahatid.
"Ano kaba walang problema saakin yon. Sabi ko naman sayo okay lang kahiy dimo na ako ihatid "
Ngumiti lang si Cloud Kaya't bumalik na ako sa trabaho. Lumipas pa ang ilang oras at handa na ako sa pag uwi. I silently walk on the dark street alone. Pero agad akong nanigas sa kinatatayuan ko nang may mag salita saaking likuran. And i feel something hard poking me on my side.
"Sumama ka saakin ng maayos " a man's voice said.
Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. My hands were trembling at mabilis na din ang pag t***k ng aking puso.
"A-ano bang kailangan mo ? " Naiiyak kong wika
"You don't have to know that b***h ! " He said " Lakad !"
Sa takot ay sumunod nalang ako sa kanya at sinimulang mag lakad , hanggang sa makarating kami sa isang madilim na iskinita.
"Pasensya na napag utusan lang " He said "Let's kill you in easy way."
Agad akong napapikit ng madiin sa kanyang sinabi , eto na ba ang katapusan ng buhay ko ? Tumulo na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Kung heto na nga ang kamatayan ko ay wala na talaga akong magagawa. Mamatay akong virgin !
But minutes had past pero nakatayo padin ako at nakapikit.
"B-babarilin niyo na po ba ako ? " Natatangang tanong ko. Jusko Calla anong katangahan yan . Pero walang nag sasalita kayat dahan dahan akong pumihit paharap. Wala na ang lalaki kanina. Ni wala itong bakas na naiwan. Ano yon trip lang ? But no i can sense his eagerness to kill me.
Nanginginig na napaupo akonsa sahig at napahawak sa dibdib kong sumisikip.
"Anong nangyari ? " Wala sa sarili kong wika.
Nang makauwi ay halos hindi na ako nakatulog dahil sa kakaisip. Sino ang lalaking iyon ? He was so determined to kill me , napag utusan ? Sino naman ang nag utos ?
"Aray ! " Sigaw ko ng mapaso ako ng mainit ma tubig. Gumagawa kasi ako ng kape at hindi kona napansin ang pag apaw nito sa baso ko. "s**t ! " I said at nag mamadaling nag tungo sa sink para banlawan ang kamay ko.
"Pasensya na napag utusan lang "
"Pasensya na napag utusan lang "
"Pasensya na napag utusan lang "
Iyan lang ang paulit-ulit na ume-echo sa utak ko. Sino ? Sino ang mag uutos na patayin ako ?
Agad akong nakarinig ng kalabugan mula sa labas ng aking pinto Kaya't binundol ng kaba ang aking dibdib. Dahan dahan akong nag lakad papunta sa pinto. My hand slowly lift to touch the door knob when suddenly a loud knock made me flinch.
"S-sino yan ? " I said in a trembling fear. Paano kung totoo ngang may nag papapatay saakin. God ! Mababaliw na ako kakaisip.
"It's me "
Mabilis pa sa alas kwatro kong binuksan ang pinto ng marinig ang boses ni Adam.
"Hey are you --- " hindi na niya natuloy ang sasabihin ng haltakin ko siya papasok at mabilis na isinara ang pinto. "Are you okay ? Why are you trembling ? "
Pero Hindi ako makasagot at nanatiling tahimik. Until I wrapped my arms around his waist. Ilang minuto oa kaming ganoon bago ko maikalma ang sarili ko.
"I'm fine " I said feeling secured on Adam's presence "Anong ginagawa mo dito ? Ang aga pa ahh ?"
Napangiti nalang ako ng maramdaman ang pag balik ng yakap niya saakin at isang halik sa aking tuktok.
"I was just wondering if gising ka ng ganitong oras kaya dumaan ako. Dinalan kita ng breakfast " He said at hinaltak ako papunta sa lamesa.
Siya nadin ang nag ayos ng pag kaing dala bago naupo sa tabi ko.
"Bakit gising ka pa ? " He said
"H-huh ? Di ako makatulog eh "
Hindi ko alam kung sasabihin ko sakanya ang nangyari o hindi. Until I rembered someone. Hindi naman siguro siya ang mag papagawa non right ?
"Calla , You're spacing out " he said "Tell me what's your problem ? "
I sighed at tumingin sa kanyang mga mata.
"Si Yvonne " panimula ko "S-she said that she's your girlfriend ? T-totoo ba yon ? "
Katahimikan ang bumalot saamin. Adam is just looking at me with his granite pair of eyes.
Bakit ayaw niyang sumagot ? Gusto ko ng maluha dahil sa kanyang katahimikan. Ang sabi kasi nila silence means Yes. So ano ako sa buhay niya ?
Agad na napakunot ang aking noo ng malakas itong tumawa.
"Anong nakakatawa ? " I said at inirapan siya.
"Nothing it's just that your cute when you're jealous "
Jealous ? Never ! At bakit naman ako mag seselos aber ?
"Hindi alo nag seselos ! " Inis kong wika " naalala ko lang mung sumugod siya sa hospital at sinampal ako ang sabi niya boyfriend ka niya ! "
Nakakainis tawanan daw ba ako. The laughter died and Adam's serious face came into view.
"Listen here My Calla " He said and hold my chin to face him "She was never my girlfriend . You know that I'm a play boy right ? N-not until I met you " He said ng tignan ko siya ng masama "She's just one of my fling but I never court her. "
"Ako din naman dimo niligawan ", bulong ko na hindi pala nakatakas sa kanyang pandinig.
"Don't worry baby " He said and chuckled "I'll court you everyday "
Matamis naman akong ngumiti bago mabilis na dumukwang ng halik sa kanyang labi. It's just a peck pero mabilis niyang hinuli ang aking ulo at idiniin ang halik.
"Your lips are sweet " He whispered na nag pamula ng mukha ko. Mabilis na umayos ako ng upo at umiwas ng tingin.
"My Calla is blushing " He said and chuckled. Lintik ! Kinikilig kana nga aasarin kapa !