Chapter 2

1648 Words
•That chinito guy !• Lakad takbo ang ginawa ko upang marating ang Zues club , 10:30 na kasi kayat nag mamadali na talaga ako. Paano ba naman sa sobrang pag ka excite ko sa unang araw ng trabaho eh hindi ako nakatulog kagabi. Tapos nung mga bandang 5 pm na doon ako nakatulog , ngayon ang ending eto ako ngayong tumatakbong parang si Flash ! Napahawak ako sa dibdib ko ng marating ang tapat ng Zeus club . Agad akong nag lakad papalapit sa employee's entrance. "Muntik kang hingalin ah " Bungad saakin ni kuyang bouncer. "Kaya nga eh , sa sobrang hingal ko parang gusto ko ng pumasok sa loob at maupo " Sarcastic kong sabi. Minsan talaga hindi mapigilan ng bunganga ko ang mga salitang lumalabas dito. Buti nalang talaga di na offend si manong bouncer. Hiningi niya lang ang I'D ko sabay papasok. Agad akong naupo sa bakanteng silya sa at napahawak sa dibdib na malakas padin ang kabog. "Bakit ba napaka malas mo Calla ? " Pakikipag usap ko sa aking sarile. Huminga nalang ako ng malalim bago tumayo. Tinungo ko ang locker na nakatalaga saakin at inilagay ang mga gamit doon. Kinuha ko kang sa bag ko ang uniform at dumiretsyo na sa CR. Agad kong binuklat ang uniform na aking susuotin. Hindi kona din ito nalaban dahil nga nakatulog ako. O diba ? Napaka husay ! Halos mapatanga ako ng makita ang super mini skirt na nasa harapan ko. "Hala ? Skirt paba to ? Hindi ba ito boxer shorts ? " Pakikipag usap ko sa sarile ko. "People ! Paki bilisan ang pag bibihis mag papalitan na ng shift ! " Sigaw ng kung sino man ang nasa labas. "Aish ! Bahala na " inis kong wika at sinuot na ang uniform ko "Lintik ! Hostess yata talaga napasok ko hindi waitress " Paano ba naman maski yung pang itaas ay kinulang din sa tela. Isa itong white long sleeve na crop top ! Jusmio sana matago pa ang kaluluwa ko dito. Nang makapag bihis ay nag lagay lang ako ng simpleng make up sabay tali sa buhok ko ng pa pony tail style. I uncomfortably pull the skirt down , umaasang may ihahaba pa talaga ito pero wala na talaga itong ihahaba pa . I sighed and walk outside the restroom at sa pag labas ko ay halos mapatalon at mapatili ako sa gulat ng maratnan ko ang mga lalaking nag bibihis sa harapan ko ! Jusmio marimar ! Awtomatikong tumakip sa mga mata ko ang aking mga kamay. "S-sorry ! " I said and walk towards the entrance "A-ako po yung bagong empleyado" Kinuha lang niya ang time card ko sabay papasok saakin. Ang maingay na lugar ang bumungad saakin. I Sighed hindi ako sanay sa mga ganitong lugar pero kailangan kong masanay dahil kailangan ko ang trabaho kong ito. Nag lakad ako papalapit sa counter ng may humawak sa balikat ko. At nang lingunin ko ito ay nakita ko si Nico yung bouncer. "Tawag ka ni boss Lash " Wika niya "Sa kwartong pinasukan mo kahapon bilisan mo daw " Tumango nalang ako at nag lakad papunta sa opisina ni boss Lash. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay malalim akong bumuntong hininga at kakatok na sana ng bumukas ang pinto at bumungad saakin ang isang engkantado ! Oo isa siyang engkantado bakit ? Because he's freaking handsome . Nakatulala lang ako habang nakatingin sa maamo niyang mukha. And when he smile ? Damn ! Parang gusto nang tumalbog ng puso ko sa tuwa. "Excuse me miss pero may lakad pa kasi ako eh see you later " He said at nilampasan ako. Sinundan ko lang ng tingin ang gwapong lalaking iyon hanggang sa nawala na siya sa paningin ko . Alam mo ba kung ano lang ang isang magandang bagay na nagustuhan ko sa Lugar na ito ? Madaming gwapo ! Agad akong umayos ng tayo at muling kumatok. "Boss ako po ito si Calla Di Magiba" Wika ko " Papasok na po ako ah " Agad kong pinihit ang seradura at pumasok sa silid. Pero napakunot ang nuo ko ng makitang walang tao doon. "Nasaan na iyon ? " I said and scratch my head " Boss ? Boss ? " Pero ang ingay lang talaga ng aircon ang maririnig mo doon. Nag t-trip ba yung bouncer na iyon ? "Lalabas na po ako ah !" Wika ko at pumihit pa talikod ng tumama ang ulo ko sa pinto. "Aray naman ! " Inis kong wika at napasapo sa aking ulo. "Stupid " Agad akong nag angat ng ulo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nanlaki ang mata ko ng makita si Mr.antipatiko. Malamig nanaman ang mga mata nitong nakatingin saakin. "Stop being stupid mamaya bato na talaga mabangga mo. Sayang naman yang maganda mong mukha " Matutuwa na sana ako sa magandang mukha eh . Pero kailangan ba talagang tawagin akong stupid ? Mag hunos dili ka Calla. Kaibigan iyan ng boss mo, dika pwedeng makipag away. Mariin kong ipinikit ang aking mata upang pigilan ang inis na unti unting umuusbong sa pag katao ko. Nang maikalma ang aking sarile ay inangat ko ang aking ulo at tumingin sa lalaking kaharap ko ng may ngiti sa labi. "Pasensya na po " I said at nilagpasan siya. Akala ko talaga pinto yung nabangga ko , jusme ang tigas ng dibdib . "Wait ! " Wika nito na nakapag pahinto saakin. Dahan dahan akong humarap sa kanya. He's awra didn't change a bit. "Bakit po sir ? " I said politely kahit ang gusto ko ngayon ay ang tusukin ang mata niyang halos hubaran na sa titig ang pag ka tao ko. "Catch ! " He said and throw something on me na nasalo ko naman. "Ano to ? " Taka kong tanong ng makita ang slacks na itim na ibinato niya saakin "Mukha bang t-shirt yan ? " Pilosopo niyang sabi. Nako ! Kung hindi lang talaga kaibigan ito ng amo ko sinapak ko nato "Ang ibig kong sabihin sir ano pong gagawin ko dito ? " Wika ko "Ayan ang isusuot mo habang nag t-trabaho ka dito " Napakunot ang aking noo habang nakatingin sa slocks na hawak ko. Bakit kaya ito ang isusuot ko ? Yung mga nakita ko kasing mga waitress ay kapareho ng suot ko ngayon. "Bakit ito ? " Takang wika ko " Hindi ba ako parehas doon --- " "Kung ayaw mo pwede ka namang mag t-tyaga kakahaltak pababa niyang skirt mo " Bored niyang wika habang nakatingin saakin. Hindi na ako kumibo at nag patuloyng lumabas. Dumiretsyo ako sa banyo at agad na nag palit. Mabuti nadin ito kaysa sa super mini skirt na unang binigay saakin. --- "Calla ! Paki kuha ng order sa table 8 " Sigaw ni Miggy na waitress din dito sa bar. Muntik na nga akong mahulog sa taglay nitong nakakabighaning katangian pero ng makita kong kumembot ang bewang nito ay agad akong kinilabutan. "Sige ! " Sigaw ko din pabalik at nag tungo na sa table 8. "What's your order sir ? " Malakas kong wika habang kinakalikot ang note pad ko. "Can I order you ? " Agad na napatikwas ang aking kikay sa aking narinig. Agad na nag angat ako ng ulo at tumingin sa hindi ka gwapuhang lalaking nakangisi saakin. I calmed myself before smiling on him. "I'm not on the menu sir " I said "I don't care. I want you " makulit nitong wika at humawak pa sa wrist ko. Agad na kumulo ang dugo ko ng maramdaman ang pag haplos niya sa puwitan ko. "Bitawan mo po ako " Mahinahon ko pading wika kahit inis na inis na ako "Paano kung ayaw ko ? " "Sinabi ng bitawan mo ako ! " Galit kong sigaw sabay sapak sa mukha niya. Agad na natanggal ang kamay niya sa aking puwitan at saaking wrist "P*ta kang babae ka ! " Sigaw ng isa niyang kasamahan sabay dakma sa buhok ko. Agad akong napaigik sa sakit ng mas diinan niya ang pag kaka sabunot saakin. "Aray ! Bitawan mo ako ! " Sigaw ko at pilit na kumawag sa kanyang pag kakahawak ngunit masyadong mahigpit ang hawak niya sa buhok ko. "Tikman mo yung sapak na ginawa mo sa tropa ko ! " Nanlilisik ang matang wika nito sabay amba ng suntok. Mariin ko nalang ipinikit ang aking n Mata at hinihintay na lumatay ang kamao niya saaking mukha. Paniguradong black eye ang aabutin ko. Pero ilang minuto na ang lumipas ay wala paring kamao ang tumatama sa mukha ko. His grip on my hair is now gone at sa pag mulat ng aking mata ay naka bulagta nadin ang lalaki sa sahig. Agad akong napasinghap dahil dumudugo pa ang ilong nito habang nakapalakda sa sahig. "Callalily !? " It's Miggy he's running towards my direction with his humping hips " Okay ka lang ? " Marahan naman akong tumango tango at inilibot ang mata sa aking paligid. The crowd was still busy with their own business pero may iilan din ang nakapalibot saamin. "Are you okay ? " Agad akong napalingon sa lalaking kumalabit saakin. My eyes widen in shocked ng mamukhaan ang lalaking ito. "I-Ikaw ? " Wika ko Ang malaanghel niyang ngiti ang mas lalong nag pahulog sa aking puso. Eto yung lalaking nasa office kanina ni boss Lash ! Agad akong napakurap kurap at nag iwas ng tingin. Kanina pa pala kami pinapanood dito na para bang may sine "Ayos lang ako salamat " mahinang wika ko. "Anong kahuguluhan to !? " Mariin akong napapikit ng marinig ang galit na boses ni boss Lash."What the hell happened here !? " "Oh my god ! Si Lash " "The club owner eyy ! " "He's so hot ! And really good in bed " Agad akong napangiwi sa narinig pero hindi ko na iyon pinansin. Nanatiling nakayuko lang ang aking ulo. What a great day ! Unang araw ko sa trabaho ay nasangkot na ako sa gulo. "Binastos nila ang waitress mo " Wika ni kuyang pogi " They need to learn their lesson" "Follow me Calla ! " Mariing wika ni Boss Lash at hindi pinansin ang sinasabi nung lalaking rumesbak saakin kayat napalunok ako ng laway. Oras naba para mag alsa balutan ulit ako ? "Nico ! Clean this mess. Ayoko ng makakatunggong ulit sa club ko ang dalawang iyan " Wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya papunta sa office niya. Goodluck talaga saakin sana lang ay hindi ako mawalan ng trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD